Distracted 11

14 1 0
                                    


~~~~~

Umakyat akyat pa ako kung pabababain lang naman kami. May activity kami, pero kailangan bang andito sa court!

Iikot kami sa isa't isa, nakapabilog kami at isa isang dadaanan ang bawat kaklase, magpapakilala gamit ang tatlong ibat ibang lenggwahe na alam namin. Pwede ulit ulit basta nagamit mo yung tatlong lenggwahe na alam mo.

English, tagalog, at g-words lang alam ko. Hindi pa sure kung iaa-accept yung g-words.

"that's your name tag. As you can see may nakalagay na dyan, in the upper part na Hello, I'm... And then sa baba kayo ang maglalagay ng words. For example, Hello, Im glad, you exist. I'm glad I met you. Gets?"

My classmate think that it's going to fun and interesting, for me it's boring. Magpapakilala kami at magsasabi ng isang bagay na totoo tungkol sa amin, at tsaka babasahin ang sariling name tag. Buti na lang hindi na iikot, pupunta na lang sa unahan at doon magsasalita. Bakit hindi na lang sa room!

Nakita ko ang mga nilagay ng mga kaklase ko, yung binigay na example ni Sir, nakita ko sa ilang kaklase ko. Meron I'm inlove, I'm hungry, meron akong nakita na pinilit ilagay ang lyrics ni Taylor Swift na I was enchanted to meet you, I'm enchanted to meet you. ewan ko ba sa utak ng mga kaklase ko. Meron pa akong nakita na I'm dying inside to hold you.

Kung hindi lang sila sinita ni Sir baka puro lyrics na ang ilagay nila.

"Ano inyo?" tanong ni Remi sa amin ni Trina

Imbis na mag isip ako kung anong ilalagay, mas iniisip ko yung lenggwahe na gagamitin ko. Bawal ba talaga g-words?

"I'm distracted" basa ni Remi sa sinulat ni Trina

"masyado ka namang seryoso Trina, isip kang iba" puna sa kanya ng isa naming kaklase

Agad naman itong pinaltan ni Trina at sinadya nyang ipabasa sa kaklase namin

"I'm so sorry" basa ng kaklase namin. Natawa kami ni Remi. Ang dating tuloy parang nag humihingi talaga ng sorry itong kaklase namin.

Dinikit na nila Trina at Remi ang kanila sa bandang dibdib, binasa ko naman ito agad "I'm glad you're okay. Hello, I'm glad I have you"

"...Hello I'm glad I'm not you" pagtatapos ko sa pagpapakilala ko. Bumalik na ko sa pwesto ko pagtapos.

After spending thirty minutes for activity, Sir Nell decide to end our class. Now we have a total of! Naman oh! Isa't kahati dapat kay Sir, pero dahil thirty minutes lang kami ngayon, isang oras na naman akong tetengga nito.

"Adal sama ka sa canteen?" tanong ni Remi. Tumanggi ako sa kanila. Alam ko may vacant si Jayzel ngayon, baka makita pa nya ko.

"Adal!" nakita ko si Vince na nasa oval. Kasama Jeromy at Jaylo.

"vacant nyo rin?" tanong ko nang makakapit ako sa kanila

"oo, maaga dismissal. Pagkatapos nito research na naman! Aantayin na rin namin si Ced" paliwanag ni Vince

"Nag-aaral ka ba? Kanina ka pa andito" si Jaylo na nang iinis na naman

"Nakita mo naman atang may ginawa kami diba?"

"Hello I'm glad I'm not you" basa ni Vince sa name tag ko. "ikaw na ikaw Adal. " dagdag pa nya

Tinaggal ko ang name tag ko at binura ang nakasulat. Binura ko ang sinulat ko kanina at pinaltan

"Hello, I find you pretty cool" basa ni Jeromy nang idikit ko ulit ito sa uniform ko. Dahil naka laminate naman ito, I shaded na part where the 'm is.

"thank you" sabi ko kay Jeromy at nginitian sya. Napabaling ako kay Vince dahil tumawa sya

Distracted Where stories live. Discover now