Distracted 10

15 1 0
                                    


~~~~~

"okay ka lang?"

"oy"

Tumingin ako kay Khael na masama na ang titig sa akin "ha?"

"bangang"

Si Larence ang sinamaan ko ng tingin. Sumama sya sa akin dito kila Khael, andito lang kami sa baba may isang makaking lamesa dito, dito na rin kinakain ni Khael ang dala kong baked cookies and cake. Hindi kasi si Manang Lea ang andito, kapatid nya ata, masungit. Sinita kami ni Larence nang makita nya kami umaakyat kanina.

"Kanina andito, sila sila magkakaibigan"

Nabitin yung tuluyan kong pagbaba sa hagdan dahil sa narinig ko. Bahagyang nakabukas nag pinto ng kwarto ni papa, kauuwi nya lang ata.

Hindi naman talaga ako nakikinig sa usapan nang may usapan pero na curious ako sa narinig ko, kaya pinag patuloy ko ang pakikinig, kahit hindi ko marinig ang nasa kabilang linya

"wala. Huwag kang mag-alala...Hindi nya naman gusto... Sya rin nagsabi na wala talaga... May tiwala ako sa kanya...Wala ka bang tiwala kay Adal?... Kaya kailangan na natin bilisan... Parehas silang masasaktan ng sobra kung tatagal pa..."

Hindi ko na tinuloy ang pakikinig, imbis na bumama, pumasok na kang ulit ako kwarto.

Nagtatampo na nga ako kay mama, pati ba naman sayo pa?

Wala akong naintindihan sa narinig ko, kung narinig ko lang sana yung sinabi ng kausap nya. Pero sure akong tungkol sa akin. Binanggit ni papa ang pangalan ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinatawagan si mama, is in another call ang nakalagay.

Napabalik ako sa wisyo dahil sa naramdamang medyo malamig sa pisngi ko "Ano ba!"

Dalawang palad ang nasa magkabilang pisngi ko. Palad ni Khael sa kaliwa, at sa kanan kay Larence

"Ano hindi nyo tatanggalin?" may banta sa boses ko.

Inalis agad ni Larence ag kanya, si Khael diniin pa bago nya dahan dahang alisin, nagpatuloy sya sa pagkain

"Hindi ka ba nakatulog dahil kay Wenard?" tanong ni Larence

"sinasabi mo? Bakit naman ako hindi makakatulog dahil sa kanya?"

"aba malay ko sayo. Baka tungkol sa pinag-usapan nyo kagabi?"

"gusto mo lang malaman kung ano" sabi ni Khael, kumakain pa rin sya. Hindi sya tumingin sa akin o kay Larence

"ikaw din naman"

"Kusang sinasabi sa akin ni Adal, hindi ako nagpapahiwatig para lang mapilitan syang sabihin sa akin" ani Khael, sa cake pa din sya naka tingin. Sang-ayon ako sa sinabi nya

Distracted Where stories live. Discover now