Distracted 21

11 1 0
                                    


~~~~~

Papalapit na kami kila Khael. Napatingin na rin sa amin sina Jeromy at Cedric dahil sa ginawang pagkaway ni Larence. Lahat na sila tumingin sa amin, pati yung dalwang babae, hanggang sa tuluyan na kaming makalapit

"Sinamahan lang namin si Adal, nahihiya kasi syang lapitan ka Kahel"

Salong salo talaga ni Larence lahat ng kaepalan.

"Huwag nyo kong idamay sa kalandian nyo." Tumingin ako dalawang babae na ngingiti ngiti. Tumawa naman ang dalawang unggoy na kasama ko. Ang lalandi talaga. Dapat pala kila Wenard na ako sumabay pauwi.

"Tara na" sabi ni Khael at lumapit na sakin

"Sorry, may gagawin ba kayo? Paalis na rin naman kami" biglang sabi ng isang babae

Hinawakan ng kasamang babae ang balikat ni Cedric "Bukas na lang ulit Jeromy, Zen"

Zen? Zen? Really, Zen? Zen? Nung Zendric ang basa ko sa pangalan nya sinita nya ako, nagpapatawag naman pala sya ng Zen.

"masama ka na nga tumingin, lalo pang sumasama" bulong sakin ni Larence

"mainit kaya" sabi ko sa kanya, totoo namang mainit. Sino kasing tanga makikipag-usap at pwe-pwesto dito sa initian.

"Gusto ko ng kwek kwek" mahinang sabi ni Khael sa akin. Bumaling ako sa kanya at nakita ko sya nakatingin sa kabilang kalsada kung nasaan ang mga nagbebenta.

Ugali ni Khael, out of nowhere, bigla bigla nalang mag cra-crave.

"Adal saan ka pupunta? Kanina mo pa hinahanap si Cedric diba?"

Jayzel sarap mong itulak.

"Una na ko. Gusto nyo silang makausap diba?" itinuro ko na lang ang dalawang babae na kaharap lang namin.

Pa set-set pa kayo ng standard, papatol din pala kayo sa hindi mas maganda sakin.

"Kaibigan nyo?" tanong ng babae kila Jeromy.

Hindi.

Napatingin ako kay Cedric na nakatingin din pala sa akin. Kanina pa ata sya nakatingin sakin nang dumating kami dito. And what's with his look! Amuse na amuse sya. Na conscious ako bigla. Baka mamaya biglang oily ng mukha ko, ika pangit ko pa.

Oh well. Kung crush nya ko, wala syang ibang makikita sa akin kundi kagandahan lang dapat.

"Oo. Jayzel, Larence, Adal" sabi ni Jeromy. Inilahad nila Larence ang kamay nila. Bumaling naman ako saglit kay Khael. Naramdaman kong siniko ako ni Larence pero hindi ko pinansin. Hindi ako nakikipag kamay sa mga nilalandi nila. Alam nila yun. Narinig ko ang awkward na pagtawa ni Jeromy.

"Reyn, Aya" pakilala ng dalawa. Tsaka lang ulit ako bumaling sa kanila nang tapos na silang magkakilalahan. Aya huh?

Pwede na bang umalis?

"Kaibigan nyo pala sila" sabi nung Aya kila Jeromy

Parang nanghihinayang ka uy?

Pati ata sila Larence nagtaka sa paraan ng pagkakasabi nya.

"sorry, it's a code"

"code what?" hindi ko gustong magtunog mataray, pero anong magagawa ko, desisyon yung boses ko. Tumingin sya sa dalawa kong kaibigan

"you're friend with our ex, we don't date our ex's friend"

Katahimikan.

Sa sandaling katahimikan, sabay sabay pa kaming napayuko nila Larence at Jayzel, sabay sabay na nagpipigil ng tawa.

Distracted Where stories live. Discover now