73

1 0 0
                                    


~~~~~

I won't.

I don't want to.

I don't want to stop.

Wala na akong pake kung aabutin ako ng sampung taon o higit pa. Yung pagkakagusto ko nga sa kanya na inabot ng ilang taon bago nya nalaman, nakaya ko. I will not stop. Ngayon pa ba? Hanggat walang singsing sa daliri nya, hindi ako titigil.

Kung sino man 'yang nagkakagusto sa kanya ngayon, lagyan nyo ng singsing 'yan kung ayaw nyong kunin ko sya sa inyo.

Akin yan, hindi ko naman hahalikan yan kung hindi akin, kung hindi ko nararamdaman na may pag-asa ako.

Hindi na ako matahimik at mapakali simula nang marinig ko yung sinabi nya.

"Finally admitted that I love him. "

Kanino nya inamin? Kanino sya umamin?

May iba pa bang nanliligaw sa kanya? Bukod sakin? Si Justin? Wenard?

Twenty minutes have passed since the pageant ended. Miesy won the title of Ms. Tourism. And Adal, won first place. Nagpalit lang sila ng partner.

The other runners-up are still on stage, while the four of them, they are not joining those on stage. I've been watching them for a while now. Almost everyone has approached Dal, their classmate, her friends, at kaibigan ko na andoon din. Mga kupal.

Hindi naman si Justin ang partner ni Dal sa pagka first place, bakit kanina pa sya dikit nang dikit. Nakaka irita. Si Justin ba talaga yung tinutukoy ni Dal?

Nagsisialisan na yung ibang kaklase nya, siguro dederetso na kila Adal. Mamaya pati sya uuwi na...

Hindi pwede

Hindi ka uuwi, Dal. Hindi ka pa pwedeng umuwi nang hindi pa tayo nag-uusap. Hindi kita pauuwiin.

Kahit natatakot, kahit sobrang takot. Bumaba na ako.

Hinintay ko lang na umalis sila nang tuluyan, tanging si Tita, sila Larence na lang ang kasama ni Dal. Pati na rin ang mga kupal.

Kaninang nakanataw lang ako sa kanya, ang lakas ng loob kong puntahan sya, babain sya dito. Ngayon naman na naglalakad na ako papunta sa kanya, malapit na sa kanya, pinaghihinaan na agad ako. Naalala ko agad yung sinabi nya na magmamakaawa sya kapag ginawa ko. Gusto kong umatras.

But I love her. I want to fix things with her. Kung ano man itong nangyayari sa amin. Aayusin ko, aayusin natin, Dal.

Tumigil lang ako sa paglalakad, nang dumapo na ang tingin nya sa akin.

Nawala lahat ng saya sa mukha nya, unti unting napaltan ng galit.

Ayaw ba nya talagang lapitan ko sya?

Tumingin ako sa paligid nya, mga kaibigan nya na hindi rin maganda ang tingin sa akin. Mga kaibigan ko na hindi makapaniwala na andito ako sa harap nila, sa harap ni Adal. Pare-parehas lang tayong takot sa pwedeng ikilos ni Adal.

Binalik ko ang tingin ko kay Adal–

Umiiyak sya.

Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha nya sa mukha nya.

She's crying. I don't know what to do. She's crying. My Dal's crying. Umiiyak sya, nang dahil sa'kin...

Makita sya ngayon na umiiyak, hindi ko na kayang tanggapin, yung dahilan pa kaya ng pag - iyak nya, na ako, mas lalong hindi ko kayang tanggapin.

Maling mali talaga na pumunta ako dito, sa harap nya, mali na nagpakita pa ko sa kanya, lapitan sya. Sinabi nya na, hindi pa 'ko nakinig.

"gago"

Distracted Where stories live. Discover now