~~~~~Finals week start now. I feel a lot of pressure. Hindi ko alam kung mababawi ko yung mga score na kailangan ko pang mabawi. Eto na yung last chance ko. Binigay na sa akin lahat nila ma'am. Hindi na ako pwede humirit pa. This is the last. This week will decide for me if I need to take one another sem. Shit lang. Ayokong maging tri sem, ang dapat second semester lang.
Sa lahat ng santo, pati na rin kaluluwa. Ligaw o hindi. Tao o hayop. Kayo na bahala sa akin. Yung matatalino lang pala. Pwede palit muna? Ako muna pagpapa lutang lutang, tagos tagos sa pader, kayo muna umupo at mag sagot ng exam ko. ps, paki - perfect. Nagmamahal, madami ng puno kaya 'wag nyo na dagdagan. Maawa pls!
"Ginagawa mo?"
"Shit-
Nilingon ko kung sino mang umakbay bigla sakin dahilan ng pagkagukat ko. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Trey pero napaltan din ng pang-aasar.
Kay Trey naka focus yung tingin ko, pero nahahagip ko na may kasunod sya sa likod nya. Tumalikod agad ako at pumasok na ng gate.
Huwag ngayon. Please huwag ngayon. Ayoko makita, marinig, maamoy. Ayokong bumagsak sa exam ko.
Yung mga kaklase ko parang wala lang itong exam sa kanila. Syempre wala silang hahabuling scores. At alam nila na mapapasa nila itong exam. Argh! Sana lahat, confident! Sa buong buhay ko na nagsagot ako ng exam, ito na ata pinaka nakakakaba. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito, ang lala. Hindi tama.
Five minutes na lang bago magsimula ang exam. Kaninang kanina pa ako kinausap nila Remi, nila Trina. Kanina ko pa rin sila hindi kinikibo. Wala silang nakuhang isang salita man lang na nang galing sa akin. Wala akong pinapansin. Hintayin nyong matapos itong exam. Papansinin ko kayo. Kakausapin ko kayo. Kahit yung mga hindi ako kinakausap, kakausapin ko. Uunahin kita Cedric, gago ka.
Two exams were finished this morning, and later, after an hour and a half, there's one more. The rest are tomorrow. It's like my classmates and I switched places. Earlier, they were relaxed and looked fine together. I was the one who was anxious. Now that we've finished two exams, they are the ones who look like they have big problems. Actually, I chose not to think about the exams that are done. There's nothing I can do about them anymore. At least they're over. I got through it. Now, I just have to wait for the scores. I love mother earth, pero sana hindi na madagdagan yung mga puno ko.
Hindi ako gumaya sa mga kaklase ko na nag re-review para sa susunod na exam. Hindi ko naman talaga gawain. Kung ako sa inyo, yung tyan nyo ang lagyan nyo ng laman. Mahirap mag-isip kapag gutom.
Bilang lang sa mga kaklase ko ang bumaba para bumili ng pagkain. Syempre kasama doon sila Remi. Ako ngayon pa lang baba.
Konti lang ang tao sa canteen. Pero hindi ko na tinuloy ang paglilibot ko ng tingin, baka may makita pa ako.
Nakakita ako ng pwesto sa gilid, kung saan walang katabi, malayo sa iba. Doon ako dumeretso, uupo na sana ako kaso biglang may naglapag ng tray sa lamesa.
"Hi. Pa share, dito ko rin gusto umupo e" Si Aya.
Nag-iba ako ng direksyon, humarang naman sya sa dadaanan ko.
"Ayaw mo mag-share?"
Hindi pa ba obvious?
Humakbang ako pakanan, ganoon din ang ginawa nya, kumaliwa ako, humarang din sya. Sana pala kumuha rin ako ng tray para pag lagyan din nitong pagkain ko, nang maihampas ko sana sa kanya.
"really Adal? Umiiwas ka sakin?" she acts like it's surprising.
Hintayin mo matapos lahat ng ganap ko, papatulan kita.
YOU ARE READING
Distracted
Teen Fiction~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...