Distracted 74

2 1 0
                                    


~~~~~

I miss him.

I miss him?

Pwede ba yun? Ako nga mismo hindi nagpapasok sa kanya dito noong birthday ko. Hindi ko rin pinapansin mga messages nya. Wala akong karapatan na ma miss sya.

One week had passed since that thing happened. I cried in front of him? Bwisit. Hindi lang sya nakakita! Nakita ng mga kaibigan ko. Edi ang ending hindi nila ako tinigilan sa pang-aasar. Tama lang talaga na pati sila wala dito noong birthday ko. Mga bwisit.

Kauuwi ko lang kahapon ng umaga galing sa vacation namin magkakaklase. Vacation ba? Pagod ang inabot ko. Hindi ko kinaya energy ni Remi. Si Justin ang nakakuha ng title na Mr Tourism, kahit hindi ako, na secure pa rin namin ang beach and hotel namin. Kasama namin sa lugar si Miesy, Raver, at mga kaklase nila. We had so much fun, actually. Kahit na muntik na naman akong may masabunutan.

Isa pang hindi ko maintindihan, bakit mulat agad ako? I suppose to sleep all day. Kahapon pag-uwi ko, natulog agad ako. Balak ko hanggang ngayon. Kaso nagising na lang ako bigla. Tinry ko bumalik sa pagkakatulog, hindi na talaga. Binubulabog na ako ng mga candy ni Kael na nasa bag ko pa rin. Lagi nyang pinapaala sa akin yan. Nag message ako sa kanya na sya ang pumunta dito para kuhain, walang reply. Galing talaga. Lalanggamin na kwarto ko.

Pagkatapos ko maligo at magbihis, nilagay ko muna sa paper bag yung mga candy ni Kael. Dapat talaga hindi ko na sinabi na may masasarap na candy doon sa pinuntahan namin. Nakakainis, wala talaga syang message. Pag talaga ako nainis hahagis ko lahat 'to sa ref namin. Hanggang sa tumigas nang husto, bahala sya magtanggal.

Hindi pa ako tuluyang nakababa, napako na sa lamesa ang mga mata ko. One, two...a total of six bouquet of flowers. Nung nanalo ako ng first place sa pageant isang bulaklak lang ang natanggap ko, tatlo pala. Kay papa at mama galing yung isa, kay Wenard, at kila Larence. Pero ano 'to? Anim? Aanhin ko' to? Hindi ko pa natatanim yung mga iba kong puno, may dumagdag agad.

"Anong meron ma?" tanong ko, nakababa na ako at sinabayan si mama na nakapamewang sa harap ng mga bulaklak.

"Hindi pa rin kayo maayos?" nag-aalalang tanong ni mama

"nino?"

Nakita ko may dalawang nakahiwalay na bouquets, nasa iisang ribbon sila, magkatabi, hindi gaya sa apat na magkakahiwalay.

"Ni Cedric, nak. Sa kanya galing yan."

No way

Itong anim? Ano 'to? pa konsulasyon nya kasi alam nya ng ang lala ng dinulot nyang gulo sakin?

"kani-kanina lang dumating. Nakita na rin ng papa mo, ayun, kasama si bigs, bumibili ng vase. Sabi ko, ako na. Gusto nya sya na raw..."

Umupo ako sa sahig para matingnan isa isa ang bulaklak. Pinakita ko kay mama na may mg notes na nakalagay. Tumango lang si mama sa'kin.

"for acing all your exams."

"for winning, my heart that night."

"for all your hard works this past few months."

"You did a great job, Dal. I'm proud of you. I miss you, sobra."

Bwisit. Kailan pa 'ko naging iyakin? Nararamdaman ko na naluluha ako matapos kong basahin yung mga nakasulat. Binalingan ko agad ang dalawa. Iisang note lang ang nakalagay.

"tito and tita, thank you po."

He's Cedric, walang makakapigil sa kanya pagdating sa mga bagay na ganto. Walang makakapigil sa kanya na magbigay nang magbigay.

"Pasabi kay papa, ma. Huwag galawin itong apat. Ako na mag-aayos. Sa kwarto ko na muna sila."

"sige, nak. Aalis ka ba?"

Distracted Where stories live. Discover now