~~~~~"Merry Christmas! Merry Christmas, Kael!!"
"Hindi new year. Ang ingay mo."
"Kahit na. Merry Christmas, wala akong regalo sayo!"
Ganoon din ang bati ko kila mama at papa. Sa kanilang lahat na kasama ko ngayon dito. Dito kami kila Wenard nag pasko. Plus one ko si Kael. Actually nung umalis ako nung araw na pumunta ako sa kanila, binitbit ko na rin sya pauwi.
Kaya alam kong may galit sa akin 'to. Walang cotton candy sa bahay. Kapag pumupunta sila Jeromy o si Cedric sa bahay, hindi ko pinapayagan magdala ng cotton candy, lalo na yang si Cedric.
"...long distance po sila ng anak nyo"
The smile disappeared from my face because of what I heard from Kael. I couldn't keep up with what they were talking about...
"Ano raw?"
"Si Cedric daw" sagot ni Wenard, nang - aasar pa syang tumingin sakin.
"ldr kayo ni Cedric" dagdag nya pa.
Paskong pasko, huwag nyong pinapainit ang ulo ko.
"Hindi kami"
Hindi ko alam kung may mali sa sinabi ko. It sounds like a really intense moment, especially with everyone looking at me, to be specific my parents. The Christmas song playing in the background is the only noise we hear right now.
"long distance, sige po. Pero yung may R? Hindi kami. Wala kaming relasyon." paliwanag ko.
Nakita ko pa si tita na nakangiting umiling iling habang pinagpatuloy ang paglalagay ng salad sa bowl ni Kael. Bakit ba beybing baby nila si Kael?!
"Para saan yung halik kung hindi pala kayo?" deretsong tanong ni mama.
"Tinanggap mo na nga yung apilyido nya. Hindi pa rin kayo?" tanong naman ni papa.
Hindi pa rin nakakalimutan yung tungkol sa jersey.
"Merry Christmas, Ad!" asar ni Wenard na nakaupo sa tapat ko.
Bwisit talaga.
Dear Santa. Masaya pa rin naman ang susunod kong pasko kahit may mabatukan ako ngayong pasko diba?
"Asan ba sya ngayon?"
Nasa egypt nagkakape.
"Nasa Brisbane po. Hindi po kasi makakauwi sila tita, si Cedric na po muna ang pumunta sa kanila." sagot ni Kael, kay tita.
"Bakit hindi sinama si Adal? Papayagan mo naman ata Daniela. Diba?" tumawa pa si tita.
"Kung nagpaalam. Papayag kami."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama. Nanay ko ba talaga sya? Pinag kakaisahan nila ako.
"Papayag naman kami. Pero yung desisyon talaga na kay Adal. Hindi ka ba tinanong kung gusto mong sumama?"
"ma naman!"
Simula nung nakita nya sa si Cedric. Wala na, wala na syang ibnag nakitang lalaki na pwede sa akin. Si Cedric na. Kulang na lang literal na itaga nya sa bato.
Si papa panay tango at tawa na lang. Ano pa, ganyan na lang? Parang hindi ako pinababantayan kila Larence dati.
"Yung totoo po, tinanong po ni Cedric si Adal. Hindi po sya pumayag."
"Bakit naman ako papayag?" mataray kong tanong kay Kael.
"Kasi gusto mo sya?" nag-aalangan pang sabi ni Tita.
Muntik ko na makalimutan, andoon si tita noong umamin ako sa sarili ko. Noong sinabi ko kay mama.
Hindi sila tumigil sa pag-uusap. Parang wala ako dito, parang hindi nila ako kadugo kung pag-usapan nila ako.
YOU ARE READING
Distracted
Ficção Adolescente~ "I can distract myself by watching some videos. I can distract myself by doing my assignments. I can distract myself by listening to my friends rants. I can distract myself by thinking about my family's situation. I can distract myself by spending...