CHAPTER IV

10.7K 36 0
                                    

MITCH: Oh andito na tayo sa dorm guys, una na ko sa room. It’s a tiring day, kaya matutulog na ko. See you tomorrow morning na lang goodnight.

EVERYBODY: Goodnight.

ABY: Magsitulog na kayo, may mga klase pa kayo bukas.

EVERYBODY: Yes captain.

ARA: Mother, hintayin mo muna ako makatulog please. *puppy eyes* natatakot ako mag-isa eh, si Yeye po kasi hindi pa tapos mag-shower, for sure aabutin ng isang oras yun dun. *sad face*.

ABY: Hay naku, tinakot ka na naman ba ni Kim about jan sa mga multo-multo nay an. Hindi naman totoo yun eh.Wag kang magpapaniwala dun.

ARA: *hindi pa rin binibitawan si Aby at pabagsak na rin ang mata dahil sa antok*. Please po, kahit ngayon lang.

ABY: Sige na sasamahan na kita. Batang to talaga.

At sinamahan na nga ni Aby si Ara matulog habang si Mika naman ay nasa shower pa rin.

MIKA’S POV

“Fille Cainglet…hayyyy sino ka ba?”nasisigaw ko sa banyo, sana naman walang nakarinig. Kasi naman bakit ba hindi sya  mawala sa isip ko dati pa, at ngayon mas lumalala pa sya. Ganito ba talaga pag ikaw ang may kasalanan?Sa totoo lang hindi ko naman sinasadya yun eh, kung pwede ko lang talaga i-explain sakanya ng maayos.

MIKA REMINISCING:

First day ko sa high school nung may dumaang isang babae sa harapan ko, napatulala ko at nasabing “sino yon?” kahit wala naman akong kausap.Pero may biglang sumagot “Si FIlle Cainglet yun member ng volleyball team, cute nya no?at magaling pa.”

 

Naglakad ako at sinundan si Fille, hindi ko na nga rin naintindi kung sino yung sumagot nung tanong ko eh. Basta ngayon alam ko na kung ano ang pangalan nya.

Dumeretso sya sa gym at pinanood syang maglaro.

Sa mga sumunod pang araw ay lagi na akong tumatambay sa gym para manood ng training nila totoo nga ang galing nya, kung marunong lang sana akong mag volleyball eh sumali na ko para mapalapit sa kanya.

”Hi, I’m Fille Cainglet member ng women’s volleyball gusto mo mag tryout? “

 What sinong nag salita?Parang narinig ko yung name na Fille Cainglet ah? Hinanap ko yung nagsalita at nagulat ako ng Makita ko si Fille, gosh bakit nya ko kinakausap? Mejo natagalan ako bago makasagot kasi feeling ko tumigil ang mundo ko pero bago pa mabura ngiti sa muka nya ay sumagot na rin ako.

“ Kilala ko po kayo, nanonood po ako minsan ng training nyo sa gym eh. Pero hindi po ako marunong magvolleyball.”hala bakit ko sinabing nanonood ako ng training nila, mamaya eh kung anong isipin nya sakin.Bahala na di naman nya siguro malalamang may crush ako sa kanya.

“Ganun ba? Sayang naman yung height mo, sige na mag tryout ka na at ako na ang bahalang maging training buddy mo, gagaling ka rin promise ko yan sayo. “

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon