CHAPTER XXVIII.III

9.9K 40 12
                                    

MIKA’S POV

 

 

Magkayakap kami ni Jessey ngayon, sa ilalim ng table sa mini library ni President. Buhay si Arch. Chua? At kasabwat pa niya si President, anong plano nila? Tinignan ko si Jessey at namumutla na rin ito sa takot, hindi na ako makaiyak dahil parang huminto na ang senses ko dahil sa kaba. Ano kayang pakay nila sa amin, gaganti ba si Arch. Sakin? O may planong masama na naman ba sya kay Jessey?

COACH RAMIL: Good afternun Mr. President..

Teka boses ni Coach yun ah? Tumayo ako para puntahan ito, sumunod  naman sakin yung iba.

MIKA: Coach!!!Tulungan nyo po kami…

Pero nagulat kami, dahil nakita kong kumakamay si Coach Ramil kay Arch. Chua.Hala anong nangyayari dito? Naghahallucinate ba ko, naka-shabu o binabangungot lang? Knowing Coach Ramil, hindi sya gagawa ng bagay na ikapapahamak namin.

Maya maya pa ay pumasok na rin si Coach Odjie sa opisina kasama ang ilang member ng UST-WVT na damay din sa gulo, nagulat ako na sila rin ay nakipagkamay kay Arch. Chua.

MELA: Coach anong ibig sabihin nito?

COACH ODJIE: Ibig sabihin ng ano? May mahalaga tayong pag-uusapan ngayon hindi ba?Bakit ganyan ang mga itsura nyo, para kayong nakakita ng multo? *takang tanong nito.*

PRESIDENT: Wag mo na lang silang intindihin Coach, nasobrahan lang ata ang pagtambay sa Starbucks yang mga alaga nyo. Hahaha.

COACH RAMIL: Girls ano pang hinihintay nyo jan, pumunta na kayo dito.

ARA: Pero Coach!! Ayaw pa po naming mamatay..maawa po kayo samin please!!Magpapakabait na po kami, at never male-late sa training. *pagmamakaawa nito.*

Nakita kong napa-ngiti ang ibang member ng UST-WVT pati na rin si President, Coach Odjie, Coach Ramil at Arch. Chua.

COACH RAMIL: Anong pinagsasabi mo jan Ara? Sino naman papatay sa inyo..maupo na nga kayo dito at ng makapag umpisa na tayo..

CIENNE: Hindi mo kami hahayaang mamatay Coach di ba? *tanong ni kay Coach Ramil.*

COACH RAMIL: Bakit naman kayo mamatay may taning na ba buhay nyo? *biro nito.*

PRESIDENT: Hayaan mo na lang sila Coach, baka gusto nila sa pwestong yun eh..hayaan na natin sila. *ngumiti ito sa amin.*

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon