CHAPTER XXXI

10.5K 41 15
                                    

Hindi pa naguumpisa ang pasukan, pero balik dorm na ang Lady Spikers para sa kanilang training, malapit na kasi ang UAAP Season 76 para sa volleyball.

CAMILLE: Good morning!! *masaya nyang bati.*

KIM: Good morning din, Camille. Tinanghali ka ata?

CAMILLE: Hindi ah? Napaaga lang kayong lahat ng gising.Hehe. *suminghot.* Anong naaamoy ko? Ambango naman, sinong nagluluto? Nagugutom tuloy ako.

Biglang lumabas si John mula sa kusina dala ang umuusok na plato ng fried rice.

JOHN: Good morning girlfriend. Breakfast is ready, kain ka na. *ngumiti ito kay Camille*

CAMILLE: No thanks pero busog pa ko. *pagsusungit nito.*

CIENNE: Pano ka nabusog eh, kagigising mo lang?

Pinanggulatan ni Camille si Cienne kaya napayuko na lang ito at nanahimik.

JOHN: Kumain ka na may beautiful girlfriend, sinisigurado ko sayo na mawawala yang init ng ulo mo, pag natikman mo ang mga niluto ko. *kumindat kay Camille.*

MIKA: Hoy itlog, pwede na rin ba kaming kumain? Gutom na ko eh. *kinakausap si John pero sa mga pagkain sya nakatingin.*

JOHN: Oo naman, para sa inyo ang lahat ng yan, sana magustuhan nyo. Lalong lalo na nitong girlfriend ko.Hehehe.

CAMILLE: Tigilan mo na nga yang pagtawag sakin ng girlfriend, hindi na ko natutuwa. *sungit mode pa rin.*

JOHN: *hindi pinansin ang sinabi ni Camille, pero hinila nya ito at pinaupo na.* Kumain ka na lang muna, gutom lang yan.

ARA: Grabe John, ang sarap naman nito. *napapapikit pa ito habang ninanamnam ang pagkain sa bibig niya.*

CIENNE: Oo nga, sobrang sarap nito kapatid.*tumingin kay John.* Pwede bang dito ka na tumira, para araw araw masarap yung food namin?

MIKA: Kapatid na kagad Cienne? Hindi pa nga pumapayag si Camille eh.Hahaha. Pero ang sarap mo talagang magluto John. *tumingin kay Camille at nilagyan ito ng pagkain sa plato.* Kain ka na.

CAMILLE: Mika..

MIKA: Gusto mong subuan kita?Hahaha..

Kumain na si Camille dahil sa pangungulit ni Mika, nakita naman ito ng lahat at napangiti na lang sila.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon