Medyo mataas na ang araw ng magising si Jessey, pero hindi kagad sya bumangon at pinag masdan muna ang muka ng natutulog na si Mika. Hinawi nya ang buhok nito na tumatakip sa mga nitong nakapikit pa rin.
JESS: *habang nakangiti.* ( para akong nananaginip ng gising ngayong nakikita ko si Mika na nasa aking harapan, matapos ang ilang araw na hindi sya kasama, akala ko katapusan na…but God is good, hindi nya kami pinabayaang magkahiwalay..hindi nya hinayaang malayo ang puso ko sa tunay na nagmamay ari nito.)
Matapos ang ilang minutong patititig ni Jessey kay Mika ay nagdesisyon na syang bumangon, para mag sipilyo at maghanda na rin ng kakainin nila, pero nang patayo na sya sa kama ay biglang bumangon si Mika at hinawakan sya sa may bandang bewang, pagkatapos ay muli itong hinila pabalik sa kama.
MIKA: *niyakap si Jessey.* Bakit mo ko iiwan?
JESS: Hindi ako aalis…magtu-toothbrush lang ako, at maghahanda ng breakfast natin.
MIKA: Edi aalis ka nga? *sumimangot.*
JESS: Lalabas lang ako, hindi naman ako pupunta sa malayo.
MIKA: Eeeeee…dito ka lang!!Namiss kita, kasi naman di mo na ko yakap pag dilat ng mata ko….*ngumuso sabay nagpacute kay Jessey.*
JESS: Hala magkatabi lang naman tayo eh...*ngumiti.*
MIKA: Basta namiss kita, dito ka lang..wag kang tatayo hangga’t di ko sinasabi. *niyakap ng mas mahigpit si Jessey.*
Napangiti na lang si Jessey at pinagbigyan si Mika sa trip nito, pero mayamaya lang ay nangulit na naman ito.
MIKA: *humarap kay Jessey, at nakanguso na naman .* Di mo ba ko love?
JESS: Ha? *medyo nagulat sya sa tanong ni Mika pero nakangiti pa rin sya.* Love kita ano ka ba? Super love nga eh…
MIKA: Talaga? Eh bakit you’re not hugging me back? *inilihis ang tingin kay Jessey, sign ng pagtatampo.*
JESS: Naku naman…ikaw talaga..halika nga dito. *sabay yakap kay Mika.*
Napangiti na si Mika, pero itinago nya ito kay Jessey..Nang yakapin sya nito ay bigla niyang tinalikuran si Jessey, kasabay ng pagtatakip ng unan sa muka, para itago ang kilig at pamumula ng muka.
MIKA: Napilitan ka lang eh..wag na nga lang..*pag iinarte nya.*
JESS: Tampo kagad? *lumapit siya kay Mika at muli itong niyakap.* Sarap namang i-hug ng hon ko..ang fluffy parang cotton candy..Hehehe..Amoy laway nga lang…
MIKA: Don’t hug me…natutusok ako…aray aray..yung mga buto mo…
JESS: Ang hard nun hon ah? If I know ito ang nagustuhan mo sakin..Hehe.
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanficThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.