MELA’S POV
Si Mika ang nagda drive ng sinasakyan namin pauwi, ayaw sana namin na sya ang magmaneho, dahil sigurado namang magulo ang utak nya ngayon at baka kung ano pang mangyari samin, pero ayaw naman nyang pumayag, kaya pinabayaan na lang namin sya. Kinakabahan kaming apat na nakaupo lang sa likuran nya habang tinatawagan ang kung sino sinong sa tingin namin ay pwedeng makatulong samin sa paghahanap kay Jessey.
CIENNE: Tinext ko na ang buong team about this, and also the Lady Tigresses.
ARA: Tinawagan ko na si kuya Perry, papunta na daw sya sa bahay nila Jessey para i-check.
MELA: Pinapunta ko na rin si Gi sa dorm namin baka kasi dumaan sila dun.
KIM: Ano namang gulo ‘tong iniwan ni Jessey?
MELA: Sigurado ako hindi nya gustong mangyari ‘to, for sure kagagawan na naman yan ng ate nya.
ARA: Oo nga, hindi gagawin ni Jessey ang iwan si Miks. Mahal na mahal nya yan eh.
Matapos magsalita si Ara ay bigla na lang nagsuot ng earphones si Mika, nagkatinginan na lang kaming apat, siguro ay ayaw nya munang makarinig ng kahit ano about sa pagmamahal sa kanya ni Jessey. Oo nga naman, bakit sya iiwan ni Jess kung mahal sya nito. Pero ang labo eh..alam ko at alam naming lahat na mahal talaga ni Jessey si Mika, kahit kayong mga nagbabasa alam nyo yan..subukan nyong itanggi, lagot kayo sakin.
Naniniwala akong dala na naman ng ka-epalan ng ate nya ang lahat ng ‘to eh, ayaw nya talaga kay Mika. Pero anong magagawa nya, eh yun nga ang gusto ng anak nya. Hay naku, yang mga taong ganyan talaga ang masarap sampal sampalin hanggang sa kumalas yung laman sa buto eh….Hayyyy…pinapainit ang ulo ko, kainis.
Ilang oras din ang nagdaan bago kami makarating sa Bulacan, hindi na kami dumaan sa bahay nila Mika dahil kila Jessey agad sya dumeretso. Walang imik syang bumaba ng sasakyan, at agad naman kaming sumunod sa kanya.
*tok*tok*tok*tok*
MIKA: Jessey..nandyan ka ba? Buksan mo tong pinto.
ARA: Mika tama na yan, sabi ni kuya Perry wala daw tao dyan, nanggaling na sya kanina dito.
*tok*tok*tok*tok*
Nagpatuloy pa rin si Mika sa pagkatok na parang hindi narinig ang sinabi ni Ara.
MIKA: Hon, lumabas ka na jan, tama na yang kalokohan. I don’t need surprises anymore. Ikaw lang eh sapat na.
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.