BF Ko Calling……..
JESS: *hyper na sinagot* Hello…BF kumusta kinikilig ka?? Ayiiiiieeeeeeeee..ayiieee…ayieee…hahaha
MIKA: Kilig mo muka mo.Bakit di mo sinabing ikaw pala ang nag-insist kay Fille na tawagan ako ah? *galit*
JESS: Oppssss…galit ka?seryoso yan?
MIKA: Hindi joke lang..hahahaha…..BF thank you so much. Okay na kami, dahil jan libre mo ko ng ice cream bukas ah? :)
JESS: Bakit ako ang manlilibre eh, ako na nga tumulong sayo?
MIKA: Eh, ganun talaga..hindi mo sakin sinabi kagad kaya kasalanan mo.Hehehe. *behlat pa rin kahit di naman makikita ni Jessey*
JESS: Ayoko bahala ka jan, di kita papapasukin dito sa dorm bukas pag wala kang dalang ice cream.
MIKA: Matitiis mo ba ako? Hehe..sige na ah? Kaw na yung bahala sa ice cream, tutulungan kita sa plates mo promise. :D
JESS: Wow ah?? Sa plates ko pa talaga? Hindi na uyyy…baka bumagsak pa ko dahil sayo. :P
MELA: *sumigaw* Hoy Jess kinikilig ka na naman,sino yang kausap mo? Si Mika-babes mo na naman ba?hahaha, bakit hindi ka na lang pumuntang Taft para dun tumira.
JESS: BF wait lang, labas muna ko, may asungot dito eh. *sabay behlat kay Mela*.
MELA: Asungot ka jan, sa ganda kong to, baka mamaya mainlove ka, pag binasted ka nyang si Mika. :D
JESS: *nag-loser sign kay Mela tapos lumabas na*.
JESS: Hello, BF ano na?
MIKA: Anong ano na? Mika-babes mo daw ako ohh sabi ni Mela…hahaha…ayieeee..crush mo ko BF?
JESS: (Ano bang tanong yan, syempre Hindi…hindi kita crush mahal na kita matagal na, hindi mo ba ramdam? Hay manhid ka kasi, tsaka kay FIlle ka lang kasi nakatingin)
JESS:Hindi no, asa ka naman…
MIKA: Talaga? Kasi sabi ni FIlle, parang may gusto ka daw sakin,totoo ba yun? Hahahaha.. (maasar nga muna to,hindi pa naman ako inaantok eh)
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.