MIKA’S POV
Nasan na kaya si Jessey, hinanap ko na sya sa kwarto ko pero wala sya dun, wala rin sa kusina kahit sa sala. Bakit naman bigla syang naging sensitive about kay Fille? I know nagseselos sya noon, pero ngayon ano pa bang ipagseselos nya eh halos hindi ko na nga nakikita yung tao. Hay this is really weird, never syang nagreact ng ganito dati, ano kayang problema nya.
Nalibot ko na ang buong bahay pero hindi ko pa rin sya matagpuan.
MOMMY: Kanina ka pa paikot ikot jan, ano bang hinahanap mo?
MIKA: Nakita mo po ba si Jessey?
MOMMY: Oo..
Hay naman oh, alam pala ni mommy kung nasaan bakit kasi ngayon ko lang naisipang tanungin sya.
MIKA: Asan po sya?
MOMMY: Pumasok sa banyo eh.
Nahalughog ko na ang buong bahay maliban sa banyo. Naku naman, sa dami ng lugar dito para mag emote , yung banyo pa talaga ang napili?
Agad akong pumunta sa banyo at kumatok.
*tok*tok*tok*tok*
MIKA: Hon anjan ka ba? Sorry na ohhh…
*tok*tok*tok*
Hindi pa rin sya sumasagot,ni hindi rin binubuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.