CHAPTER LXII

6.5K 78 24
                                    

Pagdating ni Mika sa dorm, ay nanduon na lahat ng mga kaibigan nya, nakaupo ang mga ito sa sala at nanonood ng t.v.

MIKA: Hi! *bati nya.*

ARA: Kumusta ang lakad mo? *sabay subo ng popcorn, habang nakatitig pa rin sa t.v*

MIKA: Okay naman, sana? *sabay akyat ng hagdan para pumunta sa kwarto.*

*kring*kring*kring*

CIENNE: Kaninong phone yun ang ingay, pakisagot na nga.

KIM: Sakin yun, mamaya ko na sagutin ang layo eh.

Nakasaksak sa di kalayuan ang phone ni Kim, pero ayaw nyang tumayo dahil tutok na tutok sya sa kanilang pinapanood.

CAMILLE: Sige wag mong sagutin, mamaya si Mela yan, tapos biglang makikipagbreak sayo dahil lang sa di mo sinagot ang tawag nya.

KIM: Asa namang mangyari yun no? Gwapo ko tandaan mo yan. *sabay ngiti*

CIENNE: Oo na sige na kaw na gwapo, pero pwede sagutin mo na yung phone mo? Di na namin maintindihan yung pinapanood natin eh.

KIM: Oo na sige na.

Tumayo si Kim para kunin ang phone nya.

KIM: Nakakainis hindi ko naman phone yung tumutunog eh, Ara sayo ‘to.

Tumakbo si Ara papalapit kay Kim, dahil nakacharge din ang phone nya.

ARA: Hehehe, sorry alarm ko pala yun. *pinatay ang alarm, sabay peace sign kay Kim.*

KIM: Hay, naku pinatayo pa ko. Pero tawagan ko nga lang din si Me-loves ko para hindi naman sayang ang effort ko pagpunta dito.

Tinawagan nga ni Kim si Mela, at sinagot naman kagad nito ang tawag, yun nga lang ay agad ding ibinaba, na nagiwan kay Kim ng blangkong muka.

Bumalik si Kim sa dati nyang kinauupuan para manood ulit ang t.v.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon