CHAPTER LXVI

5.7K 43 15
                                    

Seryosong tinititigan ni Ara si Mika, nang biglang may nagsalitang isang pasyente.

PASYENTE: Excuse me mga iha, pwede bang wag kayong nakaharang sa pintuan?

Sabay na napatingin ang dalawa, sa isang babaeng may sakit, at humingi ng paumanhin.

ARA & MIKA: Sorry po.

Hinawakan ni Ara ang kamay ni Mika at hinila ito sa pinaka malapit na bakanteng lamesa. Doon sila naupo.

ARA: Baka pwedeng sagutin mo na yung tanong ko, anong project mo dito? *kampante nyang tanong.*

MIKA: *umiwas ng tingin kay Ara, bago nagsalita.* Ano kasi eh..Ahhh..

ARA: Mukang ilang araw mo nang pinagkakaabalahan tong project na ‘to ah? *ngumiti* Mahirap ba?

MIKA: Ara! *namumutla na.*

ARA: Ay teka nga pala, binigyan ka ba ng gamot ng doctor para jan sa sugat mo? Baka may kalawang yung gunting na tumama sayo. *pinisil ang braso ni Mika.*

MIKA: Ha? Pano mo nalaman?

ARA: Ikaw? kelan mo sasabihin samin?

MIKA: Ara!

ARA: Kanina mo pa pinapaulit ulit yang pangalan ko, hindi ako ang sagot sa tanong ko.  Ano? Alam ba nila ‘to?

MIKA: Ang alin ba?

ARA: Mika naman, alam kong alam mo na ang ibig kong sabihin, nakita kita kanina sa tapat ng room 512. Ano gets mo na?

Ngumuso si Mika, pinagdikit ang dalawang kamay at huminga ng malakas.

MIKA: Okay, you got me. Hay, what do you want me to tell you?

ARA: Everything.

MIKA: Naman eh..pwede bang konti lang? *nagpacute kay Ara, sabay nguso.*

ARA: Di mo ko madadala sa mga ganyan mo, hindi Jessey ang pangalan ko.

Nablanko ang muka ni Mika, ng marinig ang pangalang iyon. Napansin naman agad ni Ara iyon kaya agad humingi ng tawad.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon