CHAPTER XX

10.6K 56 19
                                    

MIKA’S POV

Para akong naging statwa ng marinig kong magsalita si kuya Perry, kanina pa kaya sya? Nakita nya ba yung mga ginawa ko? Sa itsura nya ngayon mukang galit na galit sya sakin, nanginginig syang tinanong ako, i-explain ko daw kung anong mga nakita nya…I have no choice kundi mag pakatotoo na lang, bahala na kung magalit si kuya..mas hindi ko makakayang mawala sakin si Jessey, minsan lang tumibok ang puso ko ng ganito, papalagpasin ko pa ba? Sige na Mika..inhale…exhale..kalma muna..kaya ko to…*huminga ng malamim.*

Lumuhod si Mika sa harapan ng kuya nya at nakayuko itong nagpaliwanag dito.

MIKA: Kuya sorry!!! Hindi ko naman inaasahang mahuhulog ang loob ko sa bestfriend ko . Sa totoo lang pinipigilan kong wag sanang mangyari to, dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin..pero..hindi ko talaga malaman kung anong nangyari bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba, yung pakiramdam na sobrang nalulungkot ako na hindi sya nakikita..at sa tuwing naaalala ko naman yung mga moments namin together hindi ko mapigilang ngumiti ng sobra sobra.

Nakayuko pa rin si Mika habang patuloy na nagsasalita, si Perry naman ay walang imik na nakikinig lang sa bawat sabihin ng kanyang kapatid.

MIKA: Kuya..alam kong may gusto ka sa kanya!! At siguradong galit ka sakin ngayon..hindi ko hihilingin sayo na ipaubaya mo na sya sakin.*lumunok ng laway, nakatungo pa rin.* Pero kuya..ayokong balewalain na lang tong nararamdaman ko para sa kanya, kaya sana kung papayag ka,kahit hindi appropriate para sakin ang statement na to sasabihin ko pa rin. “May the best man win.”

Inangat na ni Mika ang kanyang tingin habang naka taas ang kamay akmang makikipag shakehands sa kanyang kapatid. Inaasahan nyang nakasimangot o naka kunot ang noon g kuya niya, ngunit nagulat syang naka palobo ang magkabila nitong pisngi at namumula dahil sa pagpipigil ng tawa. Nakatapat din ang cellphone nito sa kanya.

PERRY: *bumulalas ng tawa* HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!! CUTTTTTTTTT..*sigaw nito,sabay tingin sa kanyang cellphone.*..Ayos to, mai-post nga sa youtube…magiging viral kaya ito? Lalagyan ko ng title na “THE TAFT TOWER’S CONFESSION.”. Promote mo sa mga fans mo ha? *at nagpatuloy ulit sa pagtawa.*

MIKA: *nakatitig lang sa kuya nya,* (anong nangyari? Parang baliw si kuya..tawa ng tawa, hindi ba sya magagalit sakin? )

PERRY: Hay, ano pang tinitingin tingin mo jan? Kanina pa naghihintay si Jessey sa baba..Hindi mo ba pupuntahan? *hinawakan si Mika sa kamay at hinila para tumayo.*

MIKA: Kuya..*nakasimanot*

PERRY: What? Hehe. Wag ka nang sumimangot jan..Oo galit ako sayo pero mamaya na natin pag usapan ok? Harapin mo na muna si Jessey.

Bumaba na nga ang magkapatid para puntahan si Jessey,nasa labas pa rin ito, dahil naka-lock ang pintuan, wala naman ang mommy nila para pagbuksan ito. Pagbukas ni Mika ng pinto ay nakatayo ito sa harapan nya at nakangiti.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon