CHAPTER LIV.II

7.6K 37 12
                                    

JESS: Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Alam mo bang nandito ako? *sunod sunod nyang tanong, habang yakap ang taong kausap.*

PARI???: Isa isa lang ang tanong ate,at pwede bang sabihin mo munang namiss mo ako? *sumimangot sya.*

JESS: Syempre, namiss kita baby Riri. Kumusta ka na?

Pinisil ni Jessey ang magkabilang pisngi ni Ria at nilapirot ito. Isa sya sa Lady Tigresses na hindi nakakasama ng barkada nila Jessey dahil may iba itong grupo ng mga kaibigan.

RIA: Miss na miss na rin kita ate Jessey, bakit ka kasi umalis? Bakit mo kami iniwan? Tapos hindi ka pa nagpaalam, kung hindi pa sinabi ni ate Mela sa buong team na hindi ka na babalik, hindi ko pa malalaman. *sumimangot ulit ito.* Alam mo bang isang araw araw akong umiiyak ng nalaman ko yun? Ikaw lang kasi ang nakakausap ko sa team, tapos ngayon nawala ka pa?

Nangingilid na sa mata ni Ria ang luha, pero agad itong pinunasan ni Jessey.

JESS: Sorry, hindi ko naman ginustong iwan kayo eh..

RIA: Kung di lang dahil kay Mika? Hay alam ko na..lahat naman po ng ginagawa mo para sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Jessey ng banggitin ni Ria ang pangalang Mika, nakatulala na lang sya ng mapansin ito ng kasama.

RIA: Sorry ate..Di ko sinasadya.

JESS: Hehe, okay lang. Kumusta nga pala sila Mela,anniversary nila ni Kim kahapon eh.

RIA: Oo nga po eh, nasa Cebu sila ngayon, kasama ang buong barkada nyo. Ikaw lang po yung wala.

JESS: It’s good na they we’re continuing my life without me. Hehe.

RIA: Parang ganun na nga po, pero ate hindi ka ba nalulungkot? Ang tagal mong pinaglaban si Mika tapos isusuko mo lang sya sa ganitong paraan?

JESS: It’s better na isuko ko sya sa ibang tao Ria, kesa isuko ko sya kay kamatayan. *ngumiti.*  

RIA: Kaya po pala sinalo sya ni Fille Cainglet.

JESS: Ha si Fille? *pagtataka nya.* May boyfriend yun hindi ba?

RIA: Wala na po syang boyfriend ngayon, at parang naaamoy kong she’s flirting with Mika.

JESS: Talaga? Edi mabuti kung ganon. Mukang sila talaga ang para sa isa’t isa. Hehe.

RIA: Hindi yan totoo ate, mas bagay pa rin po kayong dalawa, kaya sige na ate, lumabas ka na dito. Bumalik ka na sa team, at wag mong hayaang agawin ni Fille si Mika sayo.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon