CHAPTER V

10.7K 34 2
                                    

REWIND TAYO ON THE OTHER SIDE NAMAN

Tulad ni Mika ay Hindi rin mapakali si Fille. Nagbukas sya ng twitter at may nakita syang isang tweet “Siya ay ginawa mo lang panakip butas.”

FILLE’S POV

 

Panakip butas daw, ano ba to? Parang medyo tinamaan naman ako sa post na yun.

“Love ko si Justin Tec, at hindi ko sya ginawang panakip butas.”

 

Di ko maintindihan kung bakit ko sinasabi to sa sarili ko ngayon, bakit ba kasi bigla akong nagduda sa pagmamahal ko kay Justin, 4 years na kami, love ko naman talaga sya at alam kong love nya rin ako.  Sinasakyan nya mga kabaliwan ko at inaalagaan nya ko, hindi tulad nung kami pa ni Mika ako na lang lagi ang nag aalala, palibhasa masyado pa syang bata nun.

OMG bakit ko ba ipinapasok sa isip ko ang name nya? Waaaahhhhh....someone help me please.

Sige na nga aaminin ko na sa sarili ko na sinagot ko si Justin after nung bigla na lang lumitaw si Mika sa Ateneo kasama yung isang team mate nya na si Princess Gaiser.

Usapan kasi naming dati na sa Ateneo mag aral eh tapos kukuha rin kami ng same course para naman we can help each other sa acads and we decided na Psychology na lang.

Hindi ko akalaing seseryosohin nya yun, pero kahit tumutupad pa sya sa usapan, wala na e galit pa rin ako sakanya at mas hindi ko siguro kakayanin kung makakasama ko pa ulit sya sa isang team.

Sakto nanliligaw sakin si Justin nun, okay naman sya mabait at magalang, medyo matagal na rin syang nanliligaw sakin kaya naman siguro okay nang sagutin ko sya.

At oo sasagutin ko na sya, as in now na.

Araw-araw naman akong tinatanong ni Justin kung sinasagot ko na sya e, kaya hindi ko kailangan magpa ka-desperada at ako na ang magtanong sa kanya.

JUSTIN: Hi Fille,pwedeng magtanong?

FILLE: Ano yun?

JUSTIN: Kelan mo ko sasagutin?

FILLE: Yan ba ang right question? Naku ayusin mo naman,wala man lang sweetness ano ba yan?*smiles*

JUSTIN:  :/  Alam mo namang I’ve been courting you for so long,first year ka pa lang binabantayan  na kita,kahit langaw lang na dumapo sayo kinakainggitan ko na,I promise you na hindi kita sasaktan, hindi kita iiwanan, kaya please sakin ka na lang.

FILLE: Anong sayo na lang ako?Loko ka a? Di pwede magagalit mama at papa ko, kailangan kong umuwi ng bahay naming araw araw no? *laughs*

JUSTIN: Seryoso ako. Please Fille will you be my girlfriend?

FILLE:Ahhh?Sige na nga kawawa ka naman eh. *habang sinasabi sa sarili*. (I had to risk on this one, so I can start my next plan).

JUSTIN: Talaga?Tayo na?

FILLE: Oo bakit ayaw mo? Pwede ko naman bawiin e. *sabay smile*.

JUSTIN: Hindi walang ganyanan thank you,thank you. *at nagpatalon talon sa harapan ni FIlle*.

FILLE: Wait me here ah? I just have to talk to someone.

Nakita kong pumasok sa washroom si Mika ng mag-isa kaya sinundan ko sya para makausap.

Pagdating ko sa washroom sakto na sya lang ang andun kaya makakausap ko sya ng maayos sinara ko yung pinto at ini-lock.Nagulat sya at tumingin sakin pero mas nagulat sya ng makita ako.

Lalapit n asana sya sakin para yakapin ako pero napigilan ko sya.

FILLE: Pinuntahan kita dito para sabihing, this is not the school for you. You’d rather choose another school, dahil sa totoo lang ayokong makita ka dito.

Nakikinig lang sya sa mga sinasabi ko nakikita kong parang naiiyak na sya pero pinipigilan lang.

FILLE: I love the sport at alam mo yan, kaya please lang, back off, this is my territory now so please wag natin pasikipin ang mundo, kaya kung pwede lang if makakapasa ka tryout paki-decline na lang yung offer. Yun lang goodbye.

MIKA:Sorry FIlle. Can I talk to you sa ibang araw?Please I want to explain everything. 

FILLE: I don’t have time for that, sige na yun lang ang sasabihin ko,I’ll go ahead na, may boyfriend is waiting for me outside.

Ang alam ko nakapasok sya sa team pero tulad ng sinabi ko sa kanya dinecline nya nga yung offer.

Sa La Salle na sya pumasok nag-Psychology tulad ng usapan namin dati and it’s just distracting kasi she’s wearing a number 3 jersey, is she still waiting for me? Or is it a special date lang ng boyfriend nya, if sila pa rin nung rumored boyfriend na dahilan nang pag aaway namin.  Ayoko na ngang isipin.

Bigla akong natawa kasi, at first naging panakip butas ko nga lang pala talaga si Justin, pero mahal ko na talaga sya ngayon, promise. I don’t have doubts about it.

Eeeeeeeeeeeeee….parang medyo niloloko ko na sarili ko ah?Kasi naman totong kinilig ulit ako nung tawagin ako ni Mika na Angel habang tinitigan nya ko, di ko rin maiwasang titigan sya, ayoko kasing umiwas baka kung ano pang masabi ni Vice mahirap na.

Lord please. . . Take away Mika Reyes sa way ko, kasi po nakaka-distract  na talaga. 

Sa kakaisip ni Fille kung pano sya makakaiwas ng kakaisip tungkol kay Mika ay napagod sya at nakatulog na rin.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon