CHAPTER LXXIII

3.5K 73 20
                                    

ARA: *tumingin sa orasan.* Wala pa rin si Mika?

KIM: Wala pa, hay. Anong pumasok sa utak ng isang yun, bakit sya nakipag date kay Aly?

CIENNE: Defence mechanism nya lang yun, nagselos sa isang agila eh. Pero si Rex ba talaga si Eagle Eye?

CAMILLE: Bakit hindi natin itanong kay Jessey? Baka alam na nya.

Lumapit ang lahat kay Camille, na nasa harapan ng laptop nito at tinawagan si Jessey via video call.

MELA: Hi.

Si Mela ang nakita nila sa harapan ng computer.

KIM: Bakit ikaw ang sumagot?

MELA: Busy si Jessey eh, may kausap sa phone. Bakit Kimmy ayaw mo kong makita?

KIM: Syempre gusto, sino ba namang ayaw makakita ng dyosa maya’t maya. Hahaha.

CIENNE: Boooo!! *tinulak si Kim palayo sa harapan ng monitor.*

KIM: Walang galang ‘to ah?

CIENNE: Hahaha, sorry. It’s not about you two kasi eh.

ARA: JESSEY!!!! *sigaw nya*

MELA: Ang kulit may kausap nga sya sa phone eh.

KIM: Sino?

MELA: Hindi ko rin alam, ayaw sabihin eh.

CAMILLE: Baka si Rex?

MELA: Naku, hindi si Rex yan, sakin tumatawag yun eh, dahil ayokong ibigay sa kanya ang number ni Jessey. Hahaha.

KIM: Bakit naman sayo? *galit na tanong nito*

MELA: Maganda ako eh, hahaha. Selos ka?

KIM: Oo, humanda sakin yang Rex na yan, hindi na sya sisikatan ng araw bukas. *tumayo at tinawag si Ara.* Tara Ara, punta tayong Ateneo, ipapakita ko sa Rex na yun, na impyerno ang pinapasok nya.

MELA: Hahaha, masyado kang seryoso Kimmy-loves. Dito ka na lang pumunta and I’ll give you a Godly reward. *kinindatan ito.*

Nakangiting lumapit si Kim, sa harap ng monitor at tinulak ang mga nasa harapan.

KIM: I’m coming Me-loves.

LAHAT: Ewwww!!!

ARA: Tawagin mo na Mela, si Jessey please. Kailangan naming malaman kung sino si Eagle Eye.

JESS: Hi, guys. *biglang sumulpot sa likuran ni Mela.*

KIM: Hi, Jessey. Ang ganda mo ngayon.

JESS: Haha, thanks ate Kimmy.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon