For those who didn't read Chapter LXX I'm so sorry, I know it's my fault, kasi I made it private and I don't want to repost it publicly, just skip it and read this chapter, that's not important naman I swear, or maybe not. HAHAHA.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“ Bakit nandito ka na naman? Alam mo bang lalong sumasama ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita kita? “
Tiningnan lang ni Mika ang taong nagsasalita habang kausap ang isang lalaking nakasuot ng shades at black na suit. Mukhang seryoso ito habang nagpapaliwanag sa kanya.
LALAKI: I’m sorry ma’am emergency lang po, wala akong alam na ibang gagawa nito kundi ikaw lang. *inabot nito kay Mika ang isang .45 na baril.*
MIKA: Para saan ‘to? *gulat nyang tanong, habang nanginginig ang kamay sa pagkakahawak sa baril.*
Bumulong ang lalaki kay Mika para hindi marinig ng isa pang taong kasama nila, pagkapos ay kinamayan sya at umalis na.
Nang makaalis ang lalaking nakasuot ng suit ay umupo si Mika sa isang sulok habang pinagmamasdan pa rin ang hawak nyang .45.
“Hindi ka pa ba aalis? Ilang ulit ko nang sinabi sayo na ayaw na ayaw kitang nakikita dito? Tandaan mo, oras na makaalis ako dito sa kinalalagyan ko, ako mismo ang magtutumba sayo.”
Galit na galit ang babae habang sumisigaw at nakatitig kay Mika.
“ Lumayas ka sa harapan ko, at layuan mo ang anak ko, isa kang makasalanang babae , ngayon pa lang sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa mo.”
Nagpatuloy sa pagsigaw ang babae, hanggang sa kapusin ito sa paghinga. Pinipilit nyang buksan ang oxygen na nasa gilid ng kama nya, ngunit hindi nya ito maabot.
Tumayo si Mika at lumapit sa sumisigaw na babae, tinitigan nya ito.
Tinitigan nya ang ate ni Jessey, namumuo na ang luha sa mga mata nito, at namumula ang muka, habang humihinga ng mabilis.
MIKA: Sino sa atin ngayon ang unang masusunog sa impyerno?
“Tu…tu..tu..lo….ng…..”
Humawak na ang ate ni Jessey sa braso ni Mika, napapapikit na ito, at ang kaninang pulang muka ay nagiging itim na.
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.