CHAPTER LI

8K 34 9
                                    

FLASHBACK

 

 

Ngiting ngiti si Fille ng bumaba sa kotse nya, at tumakbong parang bata patungo sa isang restaurant. Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay nakita nya na kagad si Justin na nakatingin lang sa kanya, lumapit sya dito at masiglang binati.

FILLE: Good morning!! *sabay yakap at kiss sa pisngi ni Justin.*

Hindi bumati pabalik si Justin sa halip ay hinawakan lang ang kamay ni Fille at tinitigan ito.

FILLE: Wag ka ngang sumimangot, lalo kang pumapangit eh.Hahaha. Joke. Love you. *ngiti kay Justin.*

JUSTIN: Maupo ka muna.

Naupo naman si Fille sa upuan sa harapan ni Justin.

FILLE: Order tayo. Gutom na ko eh. *kumaway kaway sa waiter, habang nakangiti pa rin.*

JUSTIN: I have to tell you something.

Biglang lumapit sa kanila ang waiter at inabot ang menu.

FILLE: Wait lang, order muna tayo. Eto sakin..eto at eto…*habang tumuturo-turo sa mga pagkain sa menu.* Anong sayo? *tumingin kay Justin.*

JUSTIN: Ikaw na bahala.

FILLE: Okay…eto sa kanya, at eto at eto pa. *turo nya ulit sa menu.*

Matapos magsulat ng waiter ay umalis na rin ito.

 

FILLE: Ang dami kong inorder, ubusin natin yun ah? Hehehe. Pero teka, hindi ka pa nag I love you sakin. *sumangot at tumingin kay Justin na parang sinasapian..*

Ngumiti lang si Justin ng isang matipid na ngiti na naging daan para maghinala na si Fille.

FILLE: Bakit ka ganyan? Parang hindi ka na natutuwa sakin. *sumimangot ulit.* Wag mong sabihing di mo na ko love, tapos pinapunta mo ko dito para makipag hiwalay na. *nag iyak iyakan.*

JUSTIN: I love you. *hinawakan ang kamay ni Fille., habang nakatitig sa mga mata nito.*

FILLE: Parang hindi naman, ulitin mo nga. *pangungulit nya, at nakangiti na naman ito.*

JUSTIN: *umiwas na sya ng tingin kay Fille, at nagsalita ng seryoso.* Mahal kita, seryoso, but there’s something I have to tell you.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon