Hindi mapigilan ni Jessey ang ngumiti, habang papasok sa dorm. Dumerecho sya sa kusina kung saan inabutan nya si Melang kumakain ng popcorn.
MELA: San ka galing? At bakit parang masaya ka? *sabay subo ng popcorn.*
JESS: Wala lang, wala na ba kong karapatang ngumiti? Haha.. *kumuha rin ng popcorn.*
MELA: Hindi naman, medyo kakaiba lang kasi yung ngiti mo. Pero san ka nga galing at hindi ka nagpaalam sakin?
JESS: Ay sorry po, nay. Magpapaalam na po ako sa susunod. Hahaha. Galing po ako sa coffee shop, nagmunimuni lang.
MELA: Muni muni, baka nakipagdate ka ha?
JESS: Ha? Hindi ah? *medyo nagulat.*
MELA: Makagulat wagas ah? Kala mo napakasama ng word na date, move on girl kung hindi ka babalikan ni Mika eh hayaan mo na, wag mong bulukin ang ganda mo dito dahil lang sa pa..*sasabihin sanang pangit pero hindi naituloy.*
JESS: Ano? Pa..Pa what? Pangit? Hahaha…
MELA: Nakaiinis sana pangit na lang sya para, pwede ko syang lait laitin dahil sinasaktan ka nya.
JESS: Hahaha, hayaan mo na. Tara tama na yang kain, matulog na tayo, maaga pa yung training bukas.
MELA: Sige, mag shower ka na muna. May hinihintay pa kong tawag eh.
JESS: Tawag nino? May bago ka na?
MELA: *binato ng popcorn si Jessey* Sira, syempre tawag ni Kimmy yung hinihintay ko, maligo ka na nga lang dun.
JESSEY’S POV
If I can only tell Mela, what happened…kaya lang ayaw pa ni Mika eh, so better not na lang muna, mas mahalaga ngayon na okay na kami ni BF, at bahala na lang akong mag explain sa mga friends ko kapag nagalit sila. Grabe, ganito pala talaga ang love, you can keep secrets or even betray your friends para lang sa taong mahal mo. Hindi naman sa alam ko kasing nandyan lang yung mga kaibigan ko, whatever happens o mas madali silang suyuin kesa kay Mika, kaya lang..ano..ewan….hindi ko alam kung pano ipapaliwanag eh, basta parang lahat ng mali kaya kong gawin para lang sa kanya.
Love is like a drug, it can drive you crazy or bring you to the sky.
Ngayong okay na kami, parang lalo akong nag-crave sa kanya gusto ko syang makita ng paulit ulit habang nakangiti sakin, tapos gusto ko rin syang yakapin, I was also thinking of kissing her, kaya lang hindi na nga pala kami, and bestfriends are not supposed to kissed each other’s lips. Hayy..culture.
It feels like, first love for the second time. Damn Jessey ano bang tumatakbo sa isip mo? Kanina lang okay na sayo na kahit friends lang, pero ngayon iba na naman ang demand mo, sumusobra ka na…hayyyyy ano ba tong nangyayari sakin. Sorry Lord forgive me po, kaya lang hindi ko mapigilan eh, at alam ko naman pong alam nyo kung gaano ko sya ka-love.
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.