CHAPTER XVIII

10.9K 41 14
                                    

Araw araw ngang pumupunta si Jessey sa bahay ng mga Reyes, wala syang ibang ginagawa kundi sundin ang trip ni Mika. Masaya sya sa ginaga walalo pa’t bawat segundo ay lalong nahuhulog ang loob nya sa dating matalik na kaibigan.

JESS: Good morning tita. Gising na po ba si Mika? *sabay beso sa mommy ni Mika.*

MOMMY: Good morning din. *Beso kay Jess.* Ginising ko na kanina, ayun mukang nakatulog na naman. Pakigising mo na nga lang ulit. Maghahanda lang ako ng makakain, mag –breakfast muna kayo, bago kayo bumyahe puntang Maynila.

JESS: Sige po tita.

Pumunta na nga si Jessey sa kwarto ni Mika para gisingin ito,ngayon ang araw ng balik nila sa kani-kanilang mga dorm dahil umpisa na ulit ng kanilang training bilang paghahanda sa nilahukang summer tournament ng bawat team.

MIKA: zzzZZZZZ…..*tulog na tulog*.

 

 

Lumapit si Jessey dito, at pinag masdan muna ang natutulog na si Mika.

JESSEY’S POV

 

Habang pinagmamasdan ko ang  natutulog kong mahal, hindi ko maiwasang mapangiti, ikaw ba naman ang makakita ng anghel na natutulog di ba?Parang heaven by your side..hehe.. Hay, ang sarap lang nyang titigan. Pero mas masarap yung tinititigan ko sya habang sya ay nakatitig din sakin, tapos unti-unting maglalapit ang aming muka..palapit ng palapit hanggang sa magkadikit ang aming mga ilong..tapos bigla kong sasabihing..babe may muta ka,HAHAHAHAHAHAHA……...*behlat* kayo kasing mga readers kung ano anong mga iniisip nyo sinabi na ngang hindi yun ang habol ko eh.  :)

Teka nga, pano ko ba to gigisingin? Dati ginigawa ko lang dito para magising yayakapin ko sya ng mahigpit na mahigpit hanggang sa hindi na sya makahinga, tapos bigla na syang tatakbo para kagatin ako sa braso…ahihihi…kilig ako..pero bestfriend’s act lang yun walang malisya..hahahaha..Promise……..Uy author oooooo…ayaw maniwala nung iba mong reader sakin, ayoko na nga… I QUIT..Hanap kayo ng ibang cast…Chosss. :D

Habang nag-iisip si Jessey kung pano nya gigisingin si Mika ay bigla na lang syang hinila nito at niyakap. Akala nya ay gising na ito..pero pagtingin nya ay tulog pa rin pala. Magkaharap sila ngayon, at dahil nga may gusto sya dito ay hindi naiwasang tumibok ng mabilis ang puso nya at mamula ang muka ng sobra-sobra kaya naman sandali syang nawala sa dapat nyang gawin.

PERRY: GOOD MORNINGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!

Biglang sumigaw ang kuya ni Mika mula sa baba, kaya naman bumalik na sya sa kanyang katinuan.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon