CHAPTER XXXVI.I

9.3K 36 17
                                    

Sa Greenhills napapadpad ang magkakaibigang Mika, Jessey, Mela, Kim, Ara, Cienne, Camille at John, dahil duon ang pinaka malapit na kainang alam nila. Kasama nila ngayon si Carlo, na namumutla pa rin dahil sa mga nangyari sa kanya ngayong araw.

CAMILLE: *lumapit kay Carlo at inakbayan ito.* Hoy bakla, okay ka lang? Namumutla ka ah? O baka naman nasobrahan ka lang sa foundation? Hahahaha…

CIENNE: *lumapit din kay Carlo, at tinapik ito sa braso.* Hindi ka pa naglalaslas mukang nauubusan ka na nang dugo..hahaha, wag kang mag alala..pag nakipag break sayo si kuya  Louie, ako na ang huhukay ng libingan mo para di ka mahirapan.

CARLO: Please naman kambal, kaibigan ko ba kayo? Pwedeng mag explain muna ko?

CIENNE: Hindi pa pwede, pakainin mo muna kami. Malaki laking abala na ang nagagawa mo ah?

CAMILLE: Oo nga, birthday pa naman ni Jessey ngayon, tapos inaabala mo kami?

CARLO: *tumingin kay Jessey.* Happy Birthday Jessey..San mo gustong kumain? My treat..

MIKA: *matapang ang tono.* Ako na ang manlilibre. Tara na Army Navy tayo. *hinawakan ang kamay ni Jessey, at naglakad na papunta sa Army Navy.*

 

 

 

 

 

Habang naglalakad sila, ay biglang tumakbo si Carlo para masabayan ang lakad ni Mika at Jessey.

CARLO: Mika, please. Pabayaan mong ako na ang sumagot ng food, bilang paghingi na rin ng despensa sa nagawa ko.

MIKA: Hindi mo na kailangang humingi ng kung ano pa man samin Carlo, bakit hindi mo subukang humarap sa salamin at kausapin ang sarili mo?

JESS: *tumingin kay Mika.* hon.

Tumigil paglalakad si Mika at humarap ito kay Carlo ng nakangiti.

MIKA: Masamang manloko ng tao, pero hindi ba mas masamang lokohin ang sarili mo?

CARLO: Mika… *biglang yumakap kay Mika.*

MIKA: Wow dude..hindi tayo talo..Hahahaha…

Bumitaw na si Carlo sa pagkakayakap kay Mika.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon