CHAPTER XXVI.I

10.2K 33 12
                                    

Isang lingo na ang  nakalipas simula nang mag umpisa ang pasukan, pareho pareho silang naging busy sa training at school works, kaya naman halos hindi sila nagkakatext o nagkakatawagan.

Sunday ngayon at nagkaayaan ang magkakaibigan na mag simba, para na rin magkasama sama sila.

Sa simbahan, habang nag hohomily si father…

MELA: *bumulong kay Jessey.* Hoy, gisingin mo nga yang si Mika, nakakahiya sa mga taong nakakakita nasa harapan pa naman tayo.

Nakasandal kasi ngayon sa balikat ni Jessey si Mika at tulog na tulog ito.

JESS: *niyugyog si Mika.* Hon, hon gising..magagalit si father sige ka.

MIKA: *bigla syang napatayo at napasigaw* AMEN!!!!!

Dahil sa lakas ng sigaw ni Mika ay napatigil sa pagsasalita yung pari, at lahat ng tao ay napatingin sa kanya. Hiyang hiya naman syang nag bow sa pari pati na rin sa mga nagsisimba habang bumubulong ng sorry. Pulang pula na ang muka nito, napangiti naman sa kanya ang pari at sinenyasan sya na maupo.

Hiyang hiya rin ang mga kaibigan nya..habang kanya kanyang bulungan ng

“Hindi ko kilala yan.”

“Sino ba yan?”

“Kaibigan nyo ba yan?Nakakahiya.”

May mga tao ring nagbubulungan dahil sa nangyari.

“Hindi ba sya yung player ng La Salle?”

“Oo nga sya si Mika Reyes, yung cute na player.”

“Idol ko pa naman sya, kaya lang natutulog sa simbahan eh.”

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon