CHAPTER LXIII

6.5K 68 34
                                    

LADY TIGRESSES GYM

Nagulat si Kim, at ang mga kaibigan nya ng makitang pumapasok ng gym si coach Ramil, kasama ang buong team.

KIM: *bumulong kay Mika.* Anong ginagwa nila dito?

MIKA: Hindi ko rin alam. Ara, ano bang meron ngayon?

ARA: Ewan, wala namang nagsabi na dito ang training natin, or what.

CAMILLE: Wala rin kaming alam ni Cienne. Pare parehong patay ang phone natin kanina pa, at wala rin kaming napagsabihan na nandito tayo.

COACH RAMIL: Ano pang pinagbubulungan nyo jan? Mag warm na kayo, may game tayo ngayon.

MIKA, KIM, ARA, CAMILLE & CIENNE: Game???

COACH RAMIL: Oh bakit may problema?

KIM: Wala po kaming dalang uniform.

Lumapit ang tatlong rookie at ibinaba sa harapan nila ang kanikanilang mga training bags.

COACH RAMIL: Kanina pa namin kayo tinatawagan pero mukang patay ang mga telepono ninyo. Sige na, magbihis na kayo, sayang ang oras, at ikaw Mika maiwan ka muna.

Umalis na nga sila Kim, para magpalit ng damit pang-training, si Mika naman ay kausap ngayon ni Coach Ramil.

COACH RAMIL: Ano itong nabalitaan ko na nakipag away ka daw?

MIKA: Coach, ano kasi eh…Ahh!! Hindi po ako ang nanguna. *kinakabahan nyang sagot.*

COACH RAMIL: Sabi nga sakin ni Coach Odjie, kinausap na nya si Ria kanina. Nabastos daw si Jessey, kaya napaaway kayong dalawa.

MIKA: Ha?

COACH RAMIL: Naiintindihan ko naman na pinagtanggol mo lang yung girlfriend mo, pero kung kaya nyo namang iwasan ay iwasan nyo na lang, tignan mo na lang yang nangyari sayo. Edi puro bangas ka ngayon, sayang ang kagwapuhan mo hijo. Hahaha, nagbibiro lang ako. Hay naku, tignan nyo nga yang itsura nyo ni Ria, buti na lang medyo matagal pa ang volleyball season, kung hindi ang pangit nyo sa t.v, for sure mababawasan ang fans mo.

MIKA: Coach naman eh.

COACH RAMIL: Totoo ang sinasabi ko, sa itsura mong yan ngayon, aba hindi ako magpapapicture sayo ‘no? Eh, ano ngayon kung si Mika Reyes ka? Hahaha. Sige na magbihis ka na, kailangan mong maglaro, nakukulangan ka yata sa training kaya pati mga away kalye pinapatos mo, wag kang mag alala, dodoblehin ko ang workout mo sa susunod.

MIKA: Walang ganyanan coach, kala ko ba love mo ko? Bakit mo ko papahirapan?

COACH: Mas mabuti nang ako ang magpahirap sa’yo, hindi yung kung kanikanino ka nagpapagulpi. As your second father I have the right, sige na magbihis ka na, nagpapatagal ka pa, kailangan mong magwarm up.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon