CHAPTER XLIII.I

8.6K 32 14
                                    

PERRY’S POV

 

 

Dalawang araw na simula ng umuwi si Mika dito sa bahay, maya’t maya nyang tinignan ang kanyang cellphone, sa pagbabakasakaling nagtext o nag miscol man lang sa kanya si Jessey. Ilang beses na rin syang nagpabalik balik sa bahay ng mga De Leon, pero tanging ang katulong lang nila ang naiwanan dun, at hindi alam kung saan nagpunta ang mag anak, ni hindi nga rin nito alam kung kelan babalik.

Hay, kawawa naman ang kapatid ko, ilang beses ko nang tinangkang kausapin sya, pero inililihis nya ang usapan, alam kong naikwento na nya samin ang nangyari pero, hindi sapat yun. I know she needs company, kailangan nya ng makakausap..kailangan nya nang mahihingahan ng sama ng loob, at gusto kong sa pagkakataong ito ay ako ang makatulong sa kanya.

Nandito ako ngayon sa sala at kunwaring nagbabasa, pero sa totoo ay tinitanaw ko si Mika na nakaupo lang sa kusina. Ano kaya ang iniisip nya? Kita sa mga mata nya ang lungkot, kahit di sya umiiyak..

Tumayo sya at mukang may kukunin sa ref, sumunod ako para kumuha na rin ng maiinom, but my real purpose is to start a conversation.

PERRY: What’s up bro? *pabiro.*

MIKA: I’m good.

PERRY: Oh…looks like it. *tinignan si Mika, with a smirk.*

Sya na ang nag bukas ng ref, at kumuha ng beer? What?

PERRY: Hindi ka umiinom nyan.

MIKA: Siguro nga, but I think ito ang kailangan ko ngayon.

Inagaw ko sa kanya ang beer na hawak nya at ibinalik sa ref, pagktapos kumuha ako ng fresh milk at inabot yun sa kanya.

MIKA: I don’t need this.

PERRY: We need that.

Ibinalik nya sa ref yung milk, pero kinuha ko ulit yun at iniabot sa kanya.

PERRY: Pakihawak lang please.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon