CHAPTER XXXII.II

9.7K 45 21
                                    

KIM: Hoy! Ano ba kayo ambabagal nyo, kanina pa tayo hinihintay sa gym..

CIENNE: *tumakbo, pababa galing sa kwarto.* Oo eto na nga eh!!

MIKA: Bagal, nyo..pag nagalit si Coach..Wag nyo kong idadamay ah?

ARA: Wow naman, Miks porke’t hindi ikaw ngayon ang dahilan kung bakit tayo na late sa call time, iiwanan mo na kami sa ere? *patampo nyang sabi.*

MIKA: Hahaha…ganun talaga, minsan na nga lang ako maunang gumising, madadamay pa rin ako sa galit ni coach? Di pwede yun, sayang effort.

CAMILLE: Tama na yang ingay nyo, tara na..

Tumakbo si Mikang parang bata, papunta sa pintuan.

MIKA: Ako na magbubukas, para ako ang mauna sa gym. Hehehe.

Pagbukas nya ng pinto ay nagulat sya sa kanyang nakita, kahit ang mga kaibigan nya ay namangha dahil dito.

May isang malaking bouquet ng flowers ang nasa harapan ng pinto nila, sa gilid nito ay may isang 10 inches by 16 inches na card na may nakasulat na “Sorry hon, sana mapatawad mo na ako, goodluck sa game nyo, I love you.”

KIM,ARA,CIENNE,CAMILLE:  Ang sweet naman ni Jessey!!! *kinikilig sila.*

ARA: Anong oras kaya nya, nilagay yan jan? *tumingin sa orasan nya.* 7am pa lang ohh…

CIENNE: Oo nga, grabeng effort ni Jessey, sana mapatawad mo na sya Mika. *tumingin kay Mika, na tulala pa rin sa nakita.*

ARA,CAMILLE,KIM: OO NGA!!

Lumakad na si Mika, palayo sa pinto ng dorm nila, at dinaanan lang ang bouquet at card na nasa harapan nya.

MIKA: Ano pang hinihintay nyo jan? Male-late na tayo.

CAMILLE: *tinuro yung card at bouquet.* Anong gagawin namin dito?

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon