Nagtatawanan at nag aasaran pa rin si Mika at Fille habang naglalakad pabalik sa kanikanilang kwarto, nakahawak pa si Fille sa braso ng kasama habang humahalakhak.
FILLE: Hahaha…Ang epal mo, hindi ako uminom ng tubig sa pool.
MIKA: Uminom ka nakita ko, inubo ubo ka pa nga eh..Ewww kadiri. Hahaha.
Hinila ni Mika si Fille inakbayan ito at kinurot kurot ang pisngi.
FILLE: Aray, aray masakit.
MIKA: Wala akong pakelam, kadiri ka. Umiinom ka sa pool.HEHEHE.
Ayaw paawat sa kulitan ang dalawa, at ang mga tinig na lang nila ang umaalingawngaw sa hallway, tumigil lang sila ng bigla nilang makasalubong ang mga kasama.
Agad na bumitaw si Fille kay Mika, habang ang mga kaibigan nila ay nakatitig lang sa kanila.
MIKA: Nagkita lang kami sa labas, wala kasi kayo eh. Hehehe. Di ba? *tanong nya kay Fille.*
FILLE: Ah, oo nagkasabay lang kami paglalakad.
MIKA: San ba kayo nang galing? *ngumuso at lumapit kay Mela.* Ano yang hawak mo?
Agad na lumayo si Mela kay Mika, at nilapitan naman ito ni Kim.
KIM: *umakbay kay Mela.* Anak namin si, Junior. Hehehe.
MELA: Anong junior ka jan? Babae ‘to, sya si Princess. Ang cute cute, mana sa mommy. *ngumiti sa dala nya.*
KIM: Pano kung sakin magmana yan? Kahit babae yan, pwede syang maging junior. Hahaha.
MELA: Che! Manahimik ka nga, baka gusto mong hiwalayan kita jan? *pagsusungit nya.*
KIM: Hindi mo ko, pwedeng hiwalayan, maawa ka sa anak natin, gusto mo bang palakihin yan ng walang tatay?
MIKA: WOW!!!FEEL NA FEEL NYO AH? *singit nya sa usapan ni Mela at Kim.* Patingin na kasi. Baby ba yan? Sang ampunan nyo nakuha? Hindi basta basta pwedeng mag apon ng bata ah?
KIM: Sikreto na namin yun. Hahaha. Me-loves wag mong pakita kay Mika, baka mausog.
MIKA: Andamot, patingin lang eh. *ngumuso ito.*
DZI: *linapitan si Mika.* Babe mahilig ka ba sa baby? Gusto mo gawa tayo?
GRETCH: Gervacio!!!!!
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.