CHAPTER VII

10.4K 32 0
                                    

LET ME TELL YOU..THIS IS A SUPER DUPER BORING CHAPTER...GET A PILLOW WHILE READING KASI BAKA MAKATULOG KA. WALA NA KASI KO IBA MAISIP. SORRY AND THANK YOU FOR THOSE WHO HAVE COURAGE TO CONTINUE READING :D

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JESSEY’S POV

Hay naku grabe talaga tong si Mela, untikan na nyang ipag sigawan sa buong dorm yung nakita nya, buteh napigilan ko sya dahil kung hindi malamang pinaglalamayan na sya ngayon.Hehehe. Joke lang, love ko yang si Mela, pero syempre as friend lang dahil alam nyo naman kung sinong true love ko di ba? Yung taft tower na na overdose sa cherifer nung bata pa sya. Si Mika Reyes ang aking BF.

Umuwi na si Mika-babes ko, kasi naman after nung commotion na ginawa ni Mela, hindi ko muna sya masyadong naintindi dahil todo explain ako sa pinakamamahal kong roommate , grabe kasi kung gumawa ng eksena, pero para kay Mika wala lang naman yun,hindi nga sya nangialam sa pag papaliwanag ko kay Mela eh, at sinabi pang “Hayaan mo na BF kung anong gusto nyang isipin at ipagkalat ano naman kung maghalikan tayo dito, wala namang malisya di ba?hehehe”.

Loko-loko talaga yun gusto ko sanang sagutin na “wala palang malisya eh, bakit hindi natin araw arawin”.Pero di ko sasabihin yun, next time na lang pag wla na si Mela, baka gamitin nya lang kay Kim yung linya ko eh.Chosss ang landi ko na.Hahaha.

Ang tagal naman mag shower ni Mela, promise ko kasi sa kanya ililibre ko sya a McDo ngayon eh, bayad sa pananahimik daw nya, hay buteh na lang nasusuhulan ko sya ng food. Mabait naman yan eh, pag sinabi nyang secret na eh secret na talaga, yun nga lang may kapalit talaga.

JESS: Mela antagal mo naman eh..mauuna na ko, sunod ka na lang!!!

MELA:  Sige..subukan mo lang at alam mo na ang mangyayari…maghintay ka jan, slave kita ngayon!!

Maya maya pa ay natapos na rin si Mela.

MELA: Slave, paabot nga nung lotion bilis. *sabay turo sa lugar kung asan yung lotion*.

JESS: Wow..grabehan na toh ah?

MELA: Nagrereklamo? *at tinaasan ng kilay si Jessey*.

JESS: May sinabi ba ko boss? Ano nauuhaw ka pa ba? Baka gusto mo ng tubig, juice o kape?

MELA: Yan ganyan dapat,  sige na patapos na ko tumawag ka na ng taxi dun sa labas.*nagsusungit pa rin*

JESS: Hala, mag tataxi pa eh jan lang yun sa kanto. *nakasimangot na*

MELA: Nagrereklamo ka na? *using galit na voice*

JESS: Hay, eto na nga eh!! (Pasalamat ka Mela at ayoko lang makisali sa problema ni BF ngayon, kaya sinusunod kita, pero kung walang problema yun naku baka ipagtulakan pa kitang ipagsigawan mo yan sa buong campus)


Palabas na si Jess ng room nila para tumawag na taxi ng biglang sumigaw si Mela.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon