JESSEY’S POV
JESS: Ouch!!
Nagising ako ng may tumusok sa paa ko, binebendahan ngayon ng isang babaeng nurse ang namamaga kong paa.
NURSE: Sorry, nagising ko kayo ma’am. Kailangan nyo po yung injection, para mas mapabilis ang pagkawala ng maga sa ankle nyo.
Bumangon ako at nakitang katabi ko pala si Mika, may ice bag na nakapatong sa may ulunan nya. Hinawakan ko ang noo nya, para malaman kong bumaba na ang kanyang lagnat pero mukhang hindi pa.
NURSE: ‘wag po kayong mag alala sa kanya ma’am. Kakabigay lang po namin sa kanya ng gamot, maya maya lang ay bababa na ang temperatura nya.
Hindi familiar sa akin ang lugar na kinaroroonan namin, may nurse pero alam kong wala kami sa ospital. Siguro ay nasa bahay kami ng tumulong sa amin.
JESS: Nasaan kami?
NURSE: Nasa ligtas na lugar po kayo. *ngumiti kay Jessey*
JESS: Hindi mo sinagot ang tanong ko, kilala mo ba kung sinong tumulong at nagdala sa amin dito?
NURSE: Opo, pero wala akong karapatang magsalita ng kahit ano tungkol sa kanya.
JESS: Nasaan sya? Gusto ko lang sanang magpasalamat. And do you know kung nasaan ang mga gamit namin? Kailangang malaman ng family at kaibigan namin na okay lang kami.
NURSE: Alam na po ng mga kaibigan nyo, na nasa mabuti kayong lagay.
JESS: Paano?
Hindi nya sinagot ang tanong ko, at naghanda ng umalis matapos bendahan ang aking paa.
NURSE: Magpahinga na po kayo, at bukas ng umaga ay masasagot ang mga tanong nyo. Kung may kailangan pa po kayo ay ‘wag kayong mahihiyang tumawag may tao po sa labas na naghihintay ng utos nyo.
Lumabas na nga sya matapos akong painumin ng gamot.
Maliwanag na nang magising ako. tulog pa rin si Mika at napansin kong normal na ang temperature nya. Nakayakap kasi sya sa akin, kaya naman ramdam ko ang init ng katawan nya. Hindi ko na pinigilang ngumiti, I really miss her warm hugs. Gusto ko sanang magtagal pa kaming nakaganito, kaya lang pumasok sa kwarto ang nurse. And nakakahiya kasi naabutan nya kong nakangiti, naramdaman kong umakyat sa muka yung dugo ko. Gosh I was blushing, this isn’t the right place to cuddle, this isn’t our house, kaya labag man sa loob ko ay tinanggal ko na lang ang braso ni Mika na nakayakap sa akin at bumangon na ako.
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.