CHAPTER LX

6.9K 48 16
                                    

PAGKATAPOS NG TRAINING NG LADY SPIKERS

Naabutan ni Kim na pasipol sipol si Mika sa harapan ng salamin habang nagsusuklay.

KIM: Mika ang saya mo ah? Excited kang makita si Jessey no? Hahaha. *biro nya.*

MIKA: Hindi ‘no? Asa ka naman.  

KIM: Kahapon, after training umuwi kang hindi nagsuklay kasi di pupunta si Jess, tapos ngayon alam mong pupunta sya kaya nagpapaganda ka. Yiiiieeeeee….sasagutin na ulit nya. *kiniliti si Mika.*

MIKA: Parang nagsuklay lang, ganun na kagad ang iniisip mo? Ayoko na nga. *inilagay sa bag ang suklay at lumayo na kay Kim.*

 

Nakarating na si Jessey at Ria sa dorm nila Mika, pero wala pa ang Lady Spikers kaya naman sa kotse na lang nila hinintay ang mga ito.

RIA:  Ate, sorry. *malungkot nyang tono.*

JESS: Bakit ka nagsosorry?

RIA: Kasi, love kita.

JESS: Haha, ano ka ba? Thankful nga ako, kasi mahal mo ko eh. *ngumiti kay Ria.*

RIA: Pero kapatid lang ang tingin mo sakin. *sumimangot.*

JESS: Wag nang sumimangot, ikaw naman ang favorite sister ko eh.

RIA: Hayyy.. *bumuntong hininga.* Sana ako na lang si Mika. Para pwede kong iparamdam sayo kung gano kita kamahal ate, at sana pwede mo na kong i-love back na hindi lang love para sa kapatid o kaibigan lang.

JESS: Baby Riri naman. *sumimangot na rin.*

RIA: Wag kang mag sad face ate. Naiintindihan ko namang hindi pwede eh, pero pwede bang pag sinaktan ka ulit nya akin ka na lang?

JESS: Sa dami na nang pinagdaanan namin, lahat na yata ng sakit kaya kong tiisin. *nagbiro.* Mahihintay mo bang magsawa ako sa pagtitiis? *ngumiti kay Ria.*

RIA: Kahit gano katagal pa yan ate, hihintayin ko. Promise po hindi ako lalayo sa tabi mo. *seryoso nyang sagot.*

JESS: Batang  ‘to. Ang seryoso mo namang masyado, ang daming magagandang babae jan sa paligid oh.Bakit naman kasi ako?

RIA: Dahil ikaw ang una kong friend sa team, binibigyan mo ko ng food at tinutulungan sa mga projects ko sa school, tinutulungan mo rin akong mag-improve sa volleyball. *sumimangot ulit.*

JESS: Hahaha…bata ka pa nga.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon