CHAPTER LVIII.I

7K 34 5
                                    

JESSEY’S POV

Nakalabas na ko sa kumbento na nagsilbing bilangguan ko sa loob ng ilang linggo, sabi ni mama nag usap na daw sila ng ate ko tungkol dito, at tulad ng inaasahan ay hindi naman ito pumayag. Nagkataon lang na may kailangan itong asikasuhing negosyo sa ibang bansa, at malabong makabalik agad, kaya naman naglakas loob na si mama na itakas ako.

Masaya na dapat ako nang gabing iyon, dahil magkikita na ulit kami ni Mika, nasisiguro kong matutuwa sya, andami kong iniisip na surpresa sa kanya, hanggang sa ako ang nasurpresa ng biglang tumawag si kuya Perry kay mama, nasa ospital daw si Mika dahil naglason ito. Biglang tumulo ang luha ko at dumaloy ito ng walang patid sa pisngi ko. Ako ang dahilan, ako ang may kasalanan.

Lumapit sakin si mama, at niyakap ako.

MAMA: Alam ko ang iniisip mo. Wala kang kasalanan anak.

JESS: Pero mama, wala pong ibang dahilan, ako lang…Kung hindi ko sana sya iniwan hindi mangyayari ‘to.

MAMA: Hindi nga siguro mangyayari ito, dahil maaaring wala na sya sa oras na ito, kung hindi ka sumunod sa ate mo.

JESS: Mama, bakit ganun? Kahit anong gawin ko, may masama pa ring nangyayari.

MAMA: Hindi ko rin alam anak. Pero lahat ng bagay may dahilan, malalaman mo rin balang araw ang sagot sa tanong mong yan. *pinunas ang luha ni Jessey.* Wag ka nang umiyak, maayos na daw naman si Mika, matulog ka na, at bukas na bukas din ay pupuntahan natin sya.

Naglinis na ako ng katawan at naghanda na sa pagtulog, namiss ko ang kwarto ko. Puno ito ng alaala namin ni Mika, gusto ko sanang ngumiti dahil sa mga alaala naming iyon, pero napupuno ang utak ko ng pag aalala. Okay lang kaya talaga sya? Sinong nag babantay sakanya ngayon, tamang gamot ba ang iniinom nya? Hay..pero nanduon si Fille, hawak nya kaya ang kamay ni Mika? Pano kung pagising nya ay hindi na nito bitiwan ang kamay ni Fille? Kakayanin ko kayang makita silang magkasama?

Umaga na ng makatulog ako dahil sa sobrang daming iniisip, pero maaga pa rin akong nagising dahil gusto ko nang sumunod sa Cebu, gusto ko nang makita si Mika, gusto kong alagaan sya, at gusto ko na ring sabihin sa kanya na bumalik na ko at di na sya muling iiwan pa.

Pumunta ko sa kusina, dahil baka nag aalmusal na si mama. Pagdating ko dun ay nakahanda na ang mga pagkain, pero hindi ko makita ang mama ko.

JESS: Ma!!! *tawag ko.* Kain na tayo mama.

Lumabas ang kasama namin sa bahay na may dalang juice.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon