CHAPTER LXXX

1.8K 27 3
                                    

MIKA’S POV

Matapos ang libing ni momsy, ay nagpasya akong kausapan si mommy at daddy na sa bahay na muna patuluyin ang mama ni Jessey para hindi na ito masyadong mamroblema. Hindi pa rin nya matanggap ang nangyari, it’s unfair for her lalo pa at ilang sandali lang nya nakasama ang tunay nyang ina. Marami pa syang tanong na hindi nasagot at malamang hindi na masasagot pa.

KIM: Kakayanin mo ba?

Tanong sakin ni ate Kim habang inilalagay ko ang ilang gamit sa maleta.

MIKA: Anything for Jessey, wala nang ibang mag aalaga sa kanya ngayon kundi ako. Nag promise ako kay momsy na gagawin ko ang lahat para sa anak nya.

ARA: Kung may kailangan ka andito lang kami.

MIKA: I know, thank you.

KIM: Nandun si Mela, para tulungan ka.

Binuhat ni ate Kim at Ara ang ilang gamit ko papunta sa kotse, ihahatid nila ko sa dorm nila Jessey, kinausap ko na si Coach Ramil at Coach Odjie tungkol sa desisyon ko. Sasamahan ko muna si Jessey, hanggang sa maka recover sya, kailangan nya ko sa tabi nya ngayon, higit sa kahit sino pa man.

Alam kong hindi ito magiging madali para sakin, kailangan kong gumising ng mas maaga para umattend ng training. Tapos kailangan kong umuwi kagad para siguraduhing sabay kaming kakain ng dinner. I know temporary lang ito, kilala ko si Jessey, matatag sya at hindi basta basta nagpapadala sa emosyon, siguro masyado lang syang nabigla pero alam kong magiging maayos din ang lahat.

FIRST NIGHT:

Nagising akong umiiyak si Jessey, she’s been like this simula ng mamatay si momsy. HInintay ko munang makatulog sya, bago ako bumalik sa pagtulog, pero pipikit pa lang ang mata ko ng biglang nag alarm ang phone ko.

MIKA: Crap!! *sumimangot*

Hindi pa ko masyadong nakakatulog pero kailangan ko nang gumising, sinasabi ko nga anything for her. Bumangon na ko para magluto ng breakfast, which is hindi ko ginagawa. Damn, pano to ngayon.

Sinubukan kong magprito ng itlog, pero nalimutan kong lagyan ng mantika. Umuusok na sa buong kusina ng lumabas si Mela.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon