MIKA’S POV
Pagpasok ko ng dorm ay kanya kanyang tanong sila Ara ng kung ano-ano, halata naman sa itsura nila ang pag aalala. Natext na kagad sila ni Jessey? grabe ang bilis naman ng balita talaga ohh…
KIM: Miks…okay ka lang ba?Gusto mo ng kausap? Pagkain? What? *pangungulit nya.*
CAMILLE: Tabi tayo matulog mamaya, you want?
ARA: Bibilhan kita ng ice cream, sabihan mo lang.
MIKA: I’m fine guys. Pagod lang ako..Una kong matulog ah?
Tumango lang silang lahat, as a sign ng pag oo sa tanong ko.
Grabe di ko talaga akalaing itatago sakin ni Jessey ang tunay nyang pagkatao. Bigla din tuloy akong nagduda kung minahal nya ba ko, o palabas lang nya ang lahat lahat. Nagagalit ako sa kanya dahil dito, lalo pa ng malaman kong may lalaki na palang nakatakdang ipakasal sa kanya.
Sabi nya, hindi nya yun alam. Sus, maniniwala pa ba ko sa kanya after ng ginawa nya sakin? Sh*t…bahala nga silang dalawa, pagbuhulin ko pa sila eh.
Sa dami-dami ng nagkakagusto sakin, kawalan ko ba talaga kung mawawala ang isang Jessey de leon? “ IN YOUR DREAMS,” Makapag-bukas nga muna ng mga social accounts ko, baka mamaya kung ano ano nang eksena ang ikinakalat nya.
Hindi nga ako nagkamali, she DM-ed me on twitter, pinatay ko kasi yung phone ko, dahil ayokong makabasa ng kung ano anong kasinungalingan nya.
JESS: Hon, I know kasalanan kong hindi ko sinabi sayo ang lahat. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi kita minahal ng totoo. I didn’t know na mangingialam si ate, or my real mom about this..simula kasi nung 2 years old pa lang ako ay iniwanan nya na ko kay mama. And once a year lang kami nagkikita, she didn’t even allow me to call her mom, kaya yun, hindi ko na rin sya itinuring na ina, ayaw nya naman sakin eh. And about the guy na nagpakilalang mapapangasawa ko, I swear hindi ko talaga sya kilala. For sure set-up lang ito ni ate, hindi ko nga alam kung bakit sya nangingialam sa buhay ko ngayon, pero Hon please..Ikaw ang mahal ko, at papatunayan ko ito, wala akong pakialam kung magalit man ang tunay kong nanay about dito..basta mahal kita, kaya sana maniwala ka. I’m really sorry, patawarin mo lang ako at never na kong magsisinungaling muli sayo. I miss you, already..I feel alone when you left me earlier.
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.