CHAPTER XXXIII.II

9.6K 36 14
                                    

Lumapit si Jessey, sa mama nya na nakaupo sa rocking chair.

JESS: Mama. *malungkot ito.*

MAMA: *tumingin kay Jessey.* Pasensya ka na anak, wala akong magawa para baguhin ang desisyon ng ate mo.

JESS: Wag na po muna nating isipin yan ma, pwede po bang samahan mo ako mamaya kila Mika para mapag usapan yung plano namin?

MAMA: Hija, seryoso ka na ba talaga jan? *nag aalala nitong tanong.*

JESS: Alam mo po kung gaano ko kamahal si Mika di ba? Hindi ko po alam kung anong mangyayari sa buhay ko kung wala sya, lalo po at sinanay ko na ang sarili kong anjan sya palagi sa tabi ko.

MAMA: Sorry anak, hindi ko talaga alam na magiging ganito ang reaction ng ate mo, sinubukan ko na syang kausapin tungkol dito pero alam mo namang ganyan yan, walang sinusunod na iba kundi ang sarili nya.

JESS: Ma, ikaw pa rin po ang tinuturing kong nanay, kaya please pumayag ka na sa gusto ko. Wala na po akong hihilinging ng iba, ito lang talaga. *pagmamakaawa nito.*

MAMA: Napag usapan na natin ito Jessey, at tulad ng sinabi ko sayo, na kung ako lang ang masusunod ay pumapayag naman ako. Alam mong wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan mo.

JESS: Salamat mama. *niyakap nya ito.*

MAMA: Sige na, maghanda ka na at pupunta pa tayo kila Mika, hindi ba?

Ngumiti si Jessey sa mama nya, at pagkatapos ay naghanda na para sa pumunta kila Mika. Ganoon din naman ang ginawa ng kanyang mama.

Saktong umalis naman ang tunay na ina ni Jessey, kasama ang mapapangasawa “daw nya” para bisitahin ang ilan sa kanilang mga negosyo, kaya naman hindi na kinailangang magpaalam pa sila kung saan sila pupunta.

Nasa bahay na ngayon ng mga Reyes si Jessey at ang mama nya, ipinaghahanda sila ngayon ng merienda ng mommy ni Mika.

MOMMY: *may dalang itinapay na nakalagay sa plato* Kain muna tayo. *ibinaba ang dala nya sa mesa.*

 

 

 

 

 

Kasunod ng mommy ni Mika si Perry, at may dala naman itong juice, ibinaba nya rin ang dala nya sa mesa at naupo na sa pagitan ng mommy nila at ni Mika.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon