CHAPTER XLIII.II

8.5K 38 17
                                    

PERRY’S POV

Malapit na kami ngayon sa express way, at hindi pa rin tumitigil sa pag iyak ang kapatid ko. Naghahanda na ko ng pambayad, kaya lang pag dukot ko sa wallet ko eh wala na pala kong cash..Patay na….

PERRY: Miks, wala kong cash, may dala ka bang pera jan.

Binuksan nya ang hawak nyang body bag, at naghanap ng wallet, itinatapon nya ang bawat gamit na mahawakan sa loob ng sasakyan, habang patuloy pa rin sa pagluha.

MIKA: Asan na ba yun?  Huhuhuhuhu…Nandito lang yun eh…

Naubos na ang lahat ng laman ng bag nya, pero hindi nya nakita ang wallet nya, kaya itinapon nya ito.

MIKA: Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh ……*sigaw nya habang umiiyak.*…Nakakaasar…nakakaasar na talaga…Ano ba namang buhay ‘to. *tinakip ang kamay nya sa kanyang muka.*

Tinapik ko ang balikat nya, ramdam na ramdam ko ang bigat ng kanyang pakiramdam.

PERRY: Tiwala lang bro, aabot tayo.

MIKA: Pano kung hindi tayo umabot kuya? Hindi ko kakayaning makita si Jessey sa piling ng iba, kahit na si Carlo pa yan…Huhuhu…..ipagpaalam mo na lang ako kay mommy at daddy, dahil magpapakamatay na ko.

PERRY: Sshhhhhhhhhhhhh….wag mo ngang sabihin yan. Hindi nakakatuwa. Pero daan muna tayo sa bank sandali ha? Magwi withdraw lang ako pambayad natin ng toll.

MIKA: NO!!!!!!!!!!!!!! *sigaw nya.*

Inagaw nya sakin ang manibela, sabay apak sa gas….

Humarurot kami, at untikang bumangga sa kotse na nasa harapan namin, buti na lang at agad kong nahila ang hand break.

DRIVER 1: Hoy!!! Nagpapakamatay ba kayo? *sigaw ng isang driver ng kotse na tumapat sa sasakyan nila.*

DRIVER 2: *umiiling iling.* Mga bata talaga ngayon, gustong makipagkarera kay Satanas.

Iba’t ibang komento ang sinasabi sa amin ng mga driver na napapadaan sa tapat namin, inangat ko na lang ang bintana namin, para di na marinig ang mga sinasabi nila.

Muli kong binuksan ang makina ng kotse at, dumeretso na sa toll gate kahit alam kong wala akong cash sa bulsa, naku bahala na talaga, siguro ibibigay ko na lang muna itong atm ko.

MIKA: Kuya, I’m sorry.

PERRY: Okay lang, alam kong ayaw mong mag aksaya ng oras, pero wag ka naman masyadong magmadali, dahil hindi si kamatayan ang hinahabol natin dito, kung mamamatay ka, satingin mo matutuwa si Jessey?

Nanahimik na si Mika dahil sa sinabi ko, pag tapat ko sa toll gate ay agad kong kinausap ang nagbabantay dito.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon