Biglang napabalikwas si Jessey mula sa pagkakahiga, na naging dahilan ng pagbagsak sa sahig ng bibliyang, nakatulugan nya sa pagbabasa. Namumuo ang pawis sa kanyang namumutlang mukha, at pagod na pagod na akala mo’y binangungot.
JESS: (Anong nangyayari sakin? Bakit sumikip na lang bigla ang dibdib ko, hindi naman ako nanaginip ng masama, is it a bad omen? Si Mika? Okay lang kaya sya? O baka naman si mama, anong nangyari sa kanila? Diyos ko, kinakabahan ko, at di ko alam kung anong dahilan.)
Tumayo sya sa kanyang kama, ngunit nakaramdam sya ng hilo kaya’t umupona lang sya. Sakto namang pagpasok ni Ashley sa kwarto.
ASHLEY: Sister Jessey okay ka lang ba? Namumutla ka! *lumapit it okay Jessey at ipinatong sa noo nito ang kanyang palad.* Hindi ka naman mainit.
JESS: Okay lang ako, don’t worry! Nabigla lang ako pagtayo.
ASHLEY: Sure ka? Pagtitimpla na lang kita ng gatas, o baka gusto mo ng gamot?
JESS: Wag ka nang mag abala, maghahapunan na rin naman tayo, salamat. *ngumiti sya kay Ashley.*
Habang naghahapunan ang lahat, ay hindi pa rin mapakali si Jessey, nilaro laro nya ang kanin sa plato nya. Pagkasandok nya dito ay muli nyang ibabalik sa plato, paulit ulit nya yung ginawa na napansin naman ng madre superyora.
MOTHER: Igalang natin ang pagkain at wag paglaruan. Maraming taong nagugutom sa paligid natin, maswerte tayo at mayroon tayo nito. *sinabi nya yun nang hindi tumingin kay Jessey.*
JESSEY: Sorry po, mother.
Nang matapos ang hapunan ay inaayos na ni Ashley at Jessey ang pinagkainan nila, dahil sila ang naatasang maghugas at maglinis ng kusina sa gabing iyon.
ASHLEY: Ako na nyan. *sabi nya kay Jessey habang kinukuha ang hawak na nitong mga plato.*
JESSEY: Ako na lang, hindi naman mabigat.
ASHLEY: Magpahinga ka na lang, halatang may gumugulo sa isipan mo, Ano ba iyon?
JESSEY: Masakit lang ang ulo ko, wag kang mag alala mamaya lang ay mawawala na ito.
ASHLEY: Sigurado ka ba jan?
JESSEY: Oo naman..*ngumiti.*
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanficThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.