CHAPTER XXXVII

9.6K 37 10
                                    

Alas dose na nang gabi pero nasa dorm pa rin ng Lady Spikers si John at Mela.

MELA: Tagal naman ni Mika at Jessey, anong petsa na, may pasok pa tayo pare-pareho bukas. *humikab.*

KIM: Baka pauwi na rin yung mga yun, hindi kasi ma-contact eh. Tulog ka muna Me-loves, gisingin na lang kita mamaya.

Sumandal si  Mela sa balikat ni Kim.

KIM: Ayaw mo sa kwarto?

MELA: Dito na lang, para pag dating nila Jessey makauwi na kami kagad.

Inabot ni Kim ang throw pillow na nakapatong sa kabilang upuan, inilagay nya yun sa lap niya.

KIM: Me-loves, dito ka na humiga para di ka mahirapan.

Humiga na nga si Mela, sa lap ni Kim, at di nagtagal ay nakatulog na ito.

Habang natutulog si Mela ay nilalaro ni Kim ang muka nito, hinahawakan niya ang iba’t iabang parte ng muka ni Mela at napapangiti sya habang ginagawa ito.

ARA: Ehem…ate Kim, andito pa po kami.Hehehe.

KIM: Ara naman, pabayaan mo na nga lang ako. Anjan naman si Cienne, bakit hindi kayo mag moment jan.

ARA: Hahaha..sorry po! Kinikilig po kasi ako sa inyo eh.

CIENNE: John!!

JOHN: Bakit?

CIENNE: Halika dito bilis..Palit tayo ng pwesto.hehehe.

JOHN: Eeeeee…baka magalit!!!

CIENNE: Kaw na nga tinutulungan ayaw mo pa? Bilis na moment mo na, kagatin mo.

JOHN: Sure ka? Sagot mo ko ah?

CIENNE: Hindi kita sagot, pag nagalit pabayaan mo na, at least naka moment ka hindi ba?

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon