Nabitawan ni Mika ang popcorn na hawak nya ng makitang mangiyak ngiyak na niyakap ni Fille si Justin. Lalapitan na sana ni Jessey si Mika, pero pinigilan sya ni Ria.
JESS: *tumingin kay Ria.* Please.
At binitawan sya ni Ria, lumapit kay Mika at hinawakan ito sa braso, na naging dahilan para magulat ito.
MIKA: *pasigaw.* ANONG GINAGAWA MO DITO? SINUSUNDAN MO BA KO? O ANO MASAYA KA NA BA SA NAKITA MO? YUNG NAAGAWAN AKO HARAP HARAPAN?
JESS: Hindi ko sinasadyang makita ka, *tumingin sa kinaroroonan ni Fille.* At sila, sorry.
Pinalis ni Mika ang kamay ni Jessey na nakahawak sa kanya, pero muli syang hinawakan nito.
MIKA: ANO BA? WAG MO NGA AKONG HAWAKAN.
At naitulak nya si Jessey na halos mapaupo na sa sahig. Agad namang lumapit si Ria kay Jessey para tulungan itong tumayo.
Nang makatayo na si Jessey ay biglang bumaling si Ria kay Mika at sinuntok ito sa muka.
RIA: Wala kang karapatang saktan sya. *nanggigigil nyang sinabi kay Mika.*
Napatingin ang ibang mga taong sa kanila, pero ngumisi lang si Mika kay Ria, habang hinahaplos ng kamay nya ang pisnging natamaan ng kamao.
MIKA: Mas lalo kang walang karapatang saktan ako. *tumingin kay Jessey,* Pag sabihan mo nga yang, manliligaw mo, you know what I can do. Kaya ko syang balian ng buto.
JESS: *nagsalita na wala ng emosyon, nakatulala na sya habang tinititigan ang kamay nyang dumudugo, napatama ito sa kung ano, nung itulak siya ni Mika kanina.* Ria, pabayaan mo na sya, wala kang laban sa kanya.
Mas lalong sumama ang tingin ni RIa kay Mika, dahil sa sinabi ni Jessey.
RIA: Siguro nga wala akong laban sa kanya kung pagibig ang paguusapan pero pagdating sa basag ulo, may ibubuga naman siguro ako.*ngumiti kay Mika na parang nangaasar.*
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.