CHAPTER LXXIV

3K 62 28
                                    

Nagpatuloy ang UAAP volleyball season, at sa tuwing may laban ang Lady Tigresses ay lagi ring nakakatanggap si Jessey ng flowers at kung ano ano pang mga regalo mula kay Eagle Eye na wala pa ring nakakaalam kung sino. At tulad ng sikretong iyon  ay hindi pa rin nabubunyag ang ginagawang pagdalaw ni Mika araw araw sa ate ni Jessey, na hanggang sa ngayon  ay masungit pa rin sa kanya.

ARA: Kumusta Mika? *tanong nya sa kaibigang nakatitig lang sa juice nitong paulit ulit na hinahalo*

MIKA: *tumingin kay Ara.* Parang walang nangyayari eh, I’ve spent half a year pero kahit konti walang improvement.Kahit “hi” lang wala syang sinasabi sakin, maliban na lang sa mga pagsigaw sigaw nyang ayoko namang marinig.

ARA: Konting tyaga pa Mika, kung gusto mo talaga si Jessey. Kailangan mo syang paghirapan.

MIKA: Hay, ewan nakakainip na. Parang isang sigaw nya lang sakin, bibigay na ko. Kung hirap lang din kasi, hirap na hirap na talaga ko.

ARA: Mika naman, ngayon ka pa ba susuko ang dami mo nang pinagdaanan.

MIKA: Yun na nga eh, sa dami nang pinagdaanan ko wala naman akong napapala.

Tumunog ang phone ni Mika..

ALY CALLING…

MIKA: Excuse me, sagutin ko lang ‘to.

Ilang minuto ring kinausap ni Mika si Alyssa,nguni’t hindi ito umalis sa kinauupuan na parang ipanaparinig kay Ara kung sinong kausap.

ARA: Si Aly yun?

MIKA: Yup.

ARA: ‘wag mong sabihing, nagkikita pa rin kayo hanggang ngayon?

MIKA: May problema ba kung meron?

ARA: Wala naman, kaya lang akala ko ba seryoso ka para mabalik sayo si Jessey?

MIKA: Yes, seryoso ako. Kaya lang hindi naman yun sigurado. As in sobrang walang kasiguraduhan na magkakabalikan pa kami hindi ba? Kaya mabuti na yung may reserba. Hahaha. *pabiro nyang sinabi sabay kindat kay Ara.*

ARA: You’re just flirting with her. *sumimangot.*

MIKA: Yes I was. Pero ‘wag mong sabihing malandi ako, it’s just that, ayokong mahulog ulit nang walang sasalo sakin.

Umiwas na nang tingin si Ara kay Mika, habang patuloy pa rin sa pagsasalita ang kaibigan.

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon