MIKA’S POV
Nakita ko si Jessey, hindi ako namamalik mata, sa sakit ng sampal sakin ni Fille ay alam kong hindi ako nananaginip. Ugghh..hindi ko sinasadyang halikan si Fille, at magsalita ng kung ano ano sa harap ni Jessey, nabigla lang talaga ko, hindi ko inaasahan na pupunta sya dito para dalawin ako. Naiinis ako sa sarili ko ngayon, gusto kong habulin si Jessey, pero ayoko nang paasahin pa ang sarili ko na yayakapin nya ko, pag ginawa ko iyon. Isinuko na nya ang sarili nya sa Diyos at wala na kong magagawa about that.
Habang nakaupo ako sa sahig, ay biglang pumasok si Mela ng kwarto at tinulungan akong tumayo mula sa kinauupuan ko.
MELA: Bakit sa sahig ka nakaupo? Okay ka lang ba?
MIKA: Nandito sya Mela, nandito sya.
MELA: Sino? *nagtataka nyang tanong.*
MIKA: Si Jessey!!
MELA: Imposible.
Hinawakan niya ang noo ko, akala nya siguro ay masama lang ang aking pakiramdam kaya ko nasasabi ang mga bagay na ito, pero hindi ako nagsisinungaling , nakita ko si Jessey, nandito sya.
MIKA: Totoo, Mela. Pumasok sya sa kwartong ito, tinitigan nya ako, kaya lang bigla syang tumakbo palayo matapos kong halikan si Fille.
MELA: Ano ba naman yang pinagsasasabi mo? Wala sya, dito..at wala rin si Fille. *nagpalinga linga.* Nasan nga pala yun? Akala ko ba ay nagpaiwan sya, para bantayan ka?
MIKA: Hinabol nya si Jessey.
Napakamot na lang ng ulo si Mela at umupo sa upuan, malapit sa kama ko, mukhang hindi pa rin sya naniniwala.
Pumasok si Fille, sa kwarto pero hindi nya kasama si Jessey.
MIKA: Nasan sya?
FILLE: Umalis na sya.
MELA: Totoo ngang nandito si Jessey?
Tumango lang si Fille.
MELA: Talaga? Bakit? At Pano? *nagtataka nyang tanong.*
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.