Inalis ni Mela ang braso ni Kim na nakadantay sa kanya, natutulog pa ito pero hindi nya ginising bumangon sya at dumerecho sa higaan ni Princess.
MELA: Princess!! *tawag nya.*
Wala ang aso sa higaan nito, kaya naman pumunta sya sa banyo, dahil baka nanduon ito, pero wala rin. Sinilip nya ang ilalim ng kama, mga lamesa, pati na rin ang likod ng mga kurtina pero wala talaga. Tumakbo sya sa kinaroroonan ni Kim at ginising ito.
MELA: Kimmy,,gising!! *niyugyog nya ito.*
KIM: Hmmmm….
Umungol lang si Kim at niyakap si Mela, na naging dahilan para mapahiga ulit ito.
MELA: Hoy Kimmy!! Bumangon ka na yung anak natin nawawala.
Nang marinig ni Kim ang sinabi ni Mela, ay napabalikwas ito sa kama at agad na humarap kay Mela na bakas sa muka ang pag aalala.
KIM: Anong sinabi mo?
MELA: Nawawala si Princess, nalimutan mong bukas ang pinto.
Tumingin sa pinto, at nilapitan ito.
KIM: Sarado naman ah?
MELA: Sinara ko lang yan kanina.
Lumabas si Mela ng pinto habang hinihila si Kim.
KIM: Teka lang!! Hanapin natin sya sa loob baka nandun lang yun.
MELA: Hinanap ko na sya sa buong kwarto pero wala talaga.
KIM: Sandali lang..*bumitaw kay Mela para bumalik sa kwarto.*
MELA: San ka pa pupunta? Hindi ka ba nag aalala sa kanya?
KIM: Nag-aalala syempere. Kaya lang, wala akong tsinelas oh..*sabay turo sa kanyang paa.*
MELA: ANO MAS UUNAHIN MO PA YAN? KESA SA ANAK NATIN? BAHALA KA NGA JAN. *galit na ang boses nya at tinalikuran si Kim.*
BINABASA MO ANG
FALL OR FLY?
FanfictionThis is a fan fic of Mika Reyes and Jessey de leon.Kasi naman puro kayo Mika and Ara so ginawa ko 'toh para maiba naman.