CHAPTER XLIX

8.6K 52 16
                                    

 

JESSEY’S POV

 

Hindi ko mapigilang umiyak habang inilalagay sa cabinet ang mga gamit ko, I can’t imagine na aabot kami sa ganito, parang gustong sumabog ng utak at puso ko. Ayokong iwanan si Mika, lalo na sa araw mismo ng anniversary namin, pero anong magagawa ko, buhay ng taong mahal ko ang kapalit nito.

 

 

FLASHBACK

 

 

 

Pagkadating ko sa bahay, ay agad akong sinalubong ni mama, masyado syang nag alala dahil sa biglang pagkawala namin ni Mika. Kung hindi pa tumawag si Carlo samin para sabihin na nagpa presscon si ate at ini-announce sa mundo na pumapayag na sya sa relasyon namin ay hindi pa kami uuwi.

Pumasok na ko sa kwarto ko, para maligo, agad namang sumunod sakin si ate…Yayakapin ko sana sya para magpasalamat pero iniharang nya ang palad nya sa akin, sinyales ng pagtanggi.

ATE: Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?

JESS: Ate akala ko ba okay na? *pagtataka ko.*

ATE: Anong okay ang pinagsasasabi mo? Ginawa ko lang yun para umuwi ka, alam mo ba kung anong kahihiyan ang dala nyan sa pamilya natin ha?

JESS: Mahal ko si Mika anong nakakahiya dun? We’re living in the 21stcentury normal na ang ganitong relasyon.

Hindi ko alam kung bakit ko sinasagot si ate ngayon, alam kong mali pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, kusang lumalabas ang mga salita sa aking bibig, yun talaga ang mga gusto kong sabihin, but it’s wrong hindi tamang sumagot ako sa ate ko.

ATE: Kahit kelan never magiging normal ang relasyong ganyan, naturuan ka bang magbasa ng bibliya? Sinasabi doon na ang babae ay para sa mga lalaki, hindi para sa kapwa babae.

JESS: Nakasulat din dun na igalang mo ang iyong magulang, kailangan ko bang sundin yun ngayon?

Natigilan sandali si ate dahil sa sinabi kong iyon, nang mahimasmasan sya ay bigla nya kong sinampal na naging dahilan para mapasalampak ako sa sa kama ko. Masakit ang sampal na iyon, never pa kong sinampal ni mama, pero ginawa ito ngayon sakin ng tunay kong ina, na buong buhay ko ay itinuring kong kapatid, kapatid na hindi ko man lang naramdaman.

Biglang tumulo ang luha ko, dahil sa pagkabigla..nakaramdam din ako ng kakaibang init sa dibdib ko, pagkatapos ay muling bumukas ang bibig ko at sinambit ang mga katagang hindi ko inaasahan.

JESS: Pananakit lang ba ang maipararamdam mo  matapos ang ilang taong pag abandona mo sakin? Sino ka para saktan ako?

FALL OR FLY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon