Prologue

347 8 4
                                    

Simple lang yung buhay ko. Masaya, Tahimik at walang away away. Kung anong meron ako sapat na sakin yun, hindi na ko naghahanap ng iba pa kasi sila lang ayos na sakin. Family, friends and specially God. Pagmamahal lang nila sobra sobra na eh.

Noon...

Biglang nag iba eh, parang may dumating na bagyo sa buhay ko na nag bago ng cycle. Yung buhay ko noon ibang iba ngayon hindi ko na nga alam kung buhay ko pa ba talaga 'to. Dahil sa isang tao nabago ang lahat, para siyang butterfly na biglang lumipad para sakin.

Kahit pala gulo yung nabibigay niya sa buhay ko parang may saya pa din kahit papaano, yung kahit simpleng bagay o kilos lang niya napapangiti na ko. Weird. Ganito na talaga siguro ako, ang liit ng kasiyahan ko.

Parang naka-tuon yong kasiyahan ko sa mga taong mahal at mahalaga sakin, yong ganon. Parang sa pagmamahal ko sakanila, kahit ano gagawin ko para lang sakanila na kahit buhay ko pa man itataya ko para sakanila.

Kung mahal mo kasi ang isang tao kaya mong gawin kahit ano para lang sakanya, kahit mahirap o kahit hindi mo kaya, gagawin mo para lang sa kasiyahan niya, tama naman ako diba? Pero hindi sa lahat ng oras kaya mong gawin ang lahat. Napapagod din tayo, nahihirapan at nasasaktan.

Ang kailangan lang natin ay sulitin ang mga araw na kasama natin ang mga taong mahal natin kasi hindi natin alam kung kailan ba mawawala yung Happiness na natatanggap natin. hindi natin dapat sinasayang yung oras na binibigay satin kasi hindi natin alam kung anong pwedeng kapalit ng pagsayang mo sa oras na binigay sayo.

Pwedeng mawala sayo ang lahat o ang taong mahal mo dahil sa pagbalewala mo.

______________________________________________

Lost Stars
Written by: purple_youth
Published: December 05, 2015

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon