Chapter 23: Blame

22 3 0
                                    

[Nathan's POV]

[NP: Danger by BTS]

"You bitchy girl, need that. Malandi ka, ang kati mo, maharot ka." Sigaw ni Chasey at sinampal nanaman si Blue ng pangalawang beses.

Argh, ang sakit na makita mo yong bestfriend mo na napapahiya at sinasaktan.

Imbis lumaban si Blue, tumakbo nalang siya palabas kaya napatayo agad ako at sinundan siya.."Blue! Hintayin mo ko!" Sigaw ko. "Tumigil ka muna!" Ang bilis ng takbo niya na kahit anong bilis ko pa hindi ko siya maabutan.

"Hayaan mo muna ako Nathan! Iwan mo muna 'ko!" Sigaw niya. Alam kong umiiyak siya ngayon kaya hindi ko gagawin sakanya yon, kahit kailan. "Ayokong may makakita sakin!"

Takbo pa din siya ng takbo, hindi ako tumitigil kahit ano pang sabihin niya kasi gusto ko siyang masamahan ngayon. Letche naiiyak na 'ko, ayoko ng ganito siya.

"Yong babae masasagasaan!" Sigaw ng mga tao at narinig ko nalang bigla yong busina ng isang kotse at pagtama nito sa isang tao.

Nahimasmasan ako sa narinig ko, binale ko yong isip ko kay Blue at nakita ko nalang siya na nakahiga sa kalsada. Bigla akong tumakbo papunta sakanya at nakita ko siyang duguan at walang malay.

Letche ang sakit, Blue wag ganito!

"Blue! Gumising ka!" Ginalaw galaw ko siya pero hindi siya nagkakamalay. "Megan! Ano ba?!" Hindi ko na napigilan tumulo yong luha ko. "Tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng Ambulance!" Sigaw ko. "Megan gumising ka! Wag naman ganito oh.."

Imbis na hintayin ko yong Ambulance binuhat ko si Blue papuntang kotse ko at sinakay. Ayokong tumanga lang, mauubusan na ng dugo si Blue hindi pa dumadating yong Ambulance. Kahit ang hirap, magpapaka-lakas ako madala lang siya sa Hospital.

Hindi ko sila mapapatawad pag may nangyaring masama kay Blue.

Nandito ako ngayon, palakad lakad sa isang kwarto. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa bestfriend ko. Duguan yong katawan niya lalo na yong ulo ang sakit talaga. Nasa loob pa din siya ng ER hanggang ngayon.

Tinawagan ko na din sila Tito at Tita pati na din yong dalawang kaibigang babae ni Blue tsaka si Zach, papunta na daw sila. Kada dumadagdag yong minuto kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa mga oras na 'to.

Napatingin nalang ako sa gilid ko ng may tumawag ng pangalan ko, sila Tito at Tita kasama si Zach. Lumapit agad sila sakin, si Tita iyak ng iyak mugtong mugto na yong mata niya. 

"Nathan, anong nangyari?! Bakit naaksidente si Megan? Bakit?" Umiyak si Tita sa balikat ni Tito. "Nathan, gusto kong malaman kung anong nangyari.." Sambit ni Tita. "Please.."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ang gulo ngayon ng isip ko, iyak na ng iyak si Tita ayoko muna kasing sabihin baka sumugod si Tita pero kailangan kasi nanay siya ni Megan. 

"Tita, ano po kasi. may nangyaring gulo sa Restaurant kanina at si megan po yong pinahiya ng isang bisita. Lumabas nalang po si Megan at tumakbo, sinundan ko siya Tita hanggang sa makakaya ko. Ang bilis ng pangyayari na nasagasaan nalang po si megan ng isang kotse." Sambit ko. "Tita, Tito, sorry po. Hindi ko po na-agapan si Megan. Sorry po, kasalan ko po yong nangyari." Napayuko nalang ako dahil totoo naman na ako yong may kasalanan. Ang tanga ko para hindi bantayan si megan. 

"Wala kang kasalanan Nathan, aksidente lang ang lahat. Wag mong sisihinang sarili mo, pare-pareho tayo ditong hindi ginusto ang nangyari. Ipagdasal nalang natin yong lagay ni Megan." Saad ni Tito. 

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon