Chapter 69: Guardian Angel

8 1 0
                                    

[Nathan's POV]

Hindi ko naman talaga siya iniwan, hindi naman talaga ako pumunta ng Korea. Nasa tabi tabi lang ako, nagbabantay.

Sobra akong nasaktan ng nakita kong umiiyak si Blue dahil sakin. Nasa isang lugar lang ako na tanaw siya, sobra siyang umiiyak. Gustong gusto ko siyang yakapin at patahanin pero ako yong dahilan ng pag iyak niya. Buong akala niya iniwan ko siya.

Yong kumakain siya ng paborito naming ice cream habang umiiyak mag isa sa park. Sobrang sakit. Wala ako sa tabi niya para gawin yong mga ginagawa ko dati.

Yong pag punta nila ni Darren sa Condo, sinusundan ko siya hanggang don. Bumili pa ako ng condo sa building na yon para bantayan siya.

Yong pagpapacheck up niya dahil sa nararamdaman niya, sinundan ko din siya don.

Mula umaalis hanggang umuuwi siya. Basta malaman kong safe siya.

Yong nag away sila ni Darren. Gustong gusto ko silang lapitan pero alam kong bawal pa. Ang loko ni Darren para paiyakin si Blue, wala siyang karapatan paiyakin yon.

Gustong gusto kong suntukin o bugbogin si Darren para pambawi sa pananakit niya kay Blue pero alam kong makakagulo lang ako.

Yong pumunta sila sa Tagaytay, nakasunod din ako sakanila. Binabantayan ko yong mga kilos niya. Yong natulog siyang mag isa, gusto ko na siyang lapitan.

Sobrang miss na miss ko na siya pero pinipigilan ko lang yong sarili kong magpa kita sakanya.

Gusto ko ng makipag harutan at makipag tawanan sakanya pero alam kong masaya siya kay Darren.

Gusto ko siyang alagaan, tulad ng ginagawa ko dati sakanya.

Gusto kong yakapin siya pag may problema siya o umiiyak tulad ng ginagawa ko dati.

Miss na miss ko na yong dating tayo, Blue.

Kahit ano yong mga nangyari walang nagbago sa nararamdaman ko. Ikaw at ikaw pa din.

Ikaw lang, Blue.

Pumunta ako kila Tita at saktong nandito daw siya. Dumeretso agad ako sa kwarto niya, narinig ko agad yong iyak at hagulgol sa loob.

Dahan dahan kong binuksan yong pinto at hindi niya ako napansin. Sumandal lang ako sa pinyo habang nakatingin sakanya.

Oh god, i want to hug her.

"Kailangan kita Nathan. Bumalik kana please.." Narinig kong sinabi niya.

"Sige, umiyak ka nanaman." Sambit ko. "Iiyak mo na lahat."

Inangat niya yong ulo niya at tumingin sakin. Nakatitig lang ako sakanya, gusto kong tawanan siya dahil mukha na siyang zombie kakaiyak. Punong puno na ng luha yong mukha niya. Mas umiyak siya.

"Nathan.."

Ngumiti ako at lumapit sakanya. Tumalon agad siya sakin at niyakap ako ng sobrang higpit, binagsakan tuloy namin yong kama niya.

"Miss na miss na kita! Alam mo ba yon!?" Pinapagdyak padyak niya pa yong paa niya sa paa ko. Isip bata talaga 'to kahit kailan. "Miss na miss na miss na miss!" Sambit niya.

"Hindi naman halatang miss mo 'ko." Sobrang higpit ng yakap niya na parang lalagutan na 'ko ng hininga hahaha. "Pwede bang maglayo na tayo?"

Lumayo siya sakin tapos ngumiti ng malapad, para tuloy bata yong nasa harap ko. Bigla nanaman siyang sumimangot at umiyak, hays iyakin talaga. Natatawa lang ako sakanya na mas lalo niyang kinaiyak.

"Bakit ka ba iyak ng iyak?" Tanong ko.

"Eh kasi, nandito kana." Mas umiyak siya. "Andito na yong kailangan ko," Tulo ng tulo yong mga luha niya kaya naging seryoso yong mukha ko. "Alam mo bang pag namimiss kita picture mo lang ang kinakausap ko, o kaya picture natin. Sobrang miss kasi kita, sobrang hirap nung iniwan mo ako. Paano ba naman kasi? Iniwan mo nalang ako bigla bigla matapos ng mga pinag samahan natin." Sambit niya.

Nakatitig lang ako sakanya.

"Ano?! May nahanap kana bang ibang bestfr---" Hindi ko na agad tinapos yong sasabihin niya at niyakap siya ng sobrang higpit. Sobra pa sa sobra.

"Sorry, Megan. Sorry kasi lumayo ako. Hindi ko naman ginusto yon. Isa pa, hindi naman kita iniwan. Nasa paligid mo lang ako at binabantayan ka." Sambit ko. "Sorry na oh. Patawarin mo na ako oh. Sorry."

"A-ah. Te-teka, hindi ako makahinga ng maayos." Lumayo na ako skaanya at natawa sa itsura niya. Haggard na pero maganda pa din hahaha.

"Hm, hindi naman ako galit. Nag tampo lang ako. Akala ko nga ikaw ang galit sa akin, eh. Hahahaha. Baliktad pa pala." Sambit niya. Natawa na din kaming dalawa. Natatawa siya sa kakulitan niya ako naman sa itsura niya hahahaha.

"Tama na, tigil na sa kakaiyak." Pinunasan ko ang mga luha niya. Ngumiti naman siya, ganon din ako. "Tara, bonding?"

"Go! Hahahahaha." Naging hyper agad siya. "Tara tara, kumain tayo ng mga favorite nating pagkain! Tsaka may cupcake sa baba! Tara, kain tayo!" Aya niya.

Bumaba na kami na ganon pa din ang itsura niya. Hays. Hindi talaga inisip kung anong lagay ng mukha at ng buhok niya. Pasaway hahahaha.

Kumuha agad siya ng mga cupcakes at ng ice cream sa ref nila. Sa pool area kami kumain.

"Awie! Ngayon nalang tayo kakain ng ganito na magkasama! Yey!" Para siyang batang tuwang tuwa dahil binigyan ng candy hahaha. "Oh, kumain na tayo." Inabot niya sakin yong isang plastik na kutsara.

Kain lang kami ng kain sa isang malaking ice cream. Tapos yong cupcake niya, wala pa ding pinagbago. Masarap pa din siyang mag bake. Ganitong bake ang lagi kong hinahanap hanap. Nang mag simula siyang magbake, yong mga gawa niya lang ang kinakain ko. Wala ng iba.

Nakatingin lang ako sakanya habang kain ng kain. Nakalubog naman sa tubig yong paa niya. Ang cute niyang pagmasdan.

Kahit may sakit siya, wala pa din siyang pinagbago. Ganon pa din siya ka-hyper at kasayang tao. Kaya hindi siya nakakasawang kasama. Parang wala siyang dinadamdam na sakit, kung titignan mo. Pero kahit sa mata niya lang makikita mo na kung gaano siya nahihirapan. Napangiti ako sakanya. Ang lakas niya talaga, kaya bilib na bilib ako sakanya.

"Hoy! Tutunawin mo ba ako?" Napansin kong nakatingin din siya sakin, sobrang lalim na pala ng iniisip ko. Natawa nmana agad siya sakin. "Nako! Ikaw talaga ah. Nagagandahan ka nanaman sakin!" Tumawa siya bigla ng malakas. Abnormal talaga.

"Ew. Wag kang feelingera, Blue." Tumawa naman siya, ganon din ako.

"Wow ah. Na-ew ka. Eh, crush mo nga ako." Ngumiti skya sakin ng malapad at may pataas taas pa ng kilay. Tch. "Diba? Sige, ideny mo." Kumindat pa siya sakin tapos tumawa ng malakas.

Hays. Malala na 'tong babaeng 'to.

"Kumain kana nga!" Sambit ko at tumawa naman siya.

Biglang naging seryoso yong mukha niya kaya tiningnan ko din siya ng seryoso.

"Thank you." Ngumiti siya sakin, yong ngiti na nakakahawa.

"Para saan?" Tanong ko.

"Thank you kasi bumalik ka."

---------------------------------
Vote and comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading, lovelots!

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon