Chapter 34: The Guy

21 1 0
                                    

[Megan's POV]

Masilaw na kisame agad ang nakita ko pagka-mulat ng mata ko. Kinuskos ko yong mata ko para mas malinaw kong makita nag mga bagay bagay, dahn-dahan akong umupo sa kama na 'to. Ang sakit pa din ng katawan ko hanggang ngayon. Bumungad agad sakin sila Mama at Papa pati na din si Nathan at Shanna. Iyak siya ng iyak na para bang may kung ano ng nangyari, alalang alala din yong mukha ni mama.

"Baby girl, ayos kana ba? Anong nararamdaman mo?" Tanong ni mama. "Baby girl, alalang alala kami sayo. Akala namin hindi kana namin makakasama."

"Mama, ayos na po ako sadyang masakit lang po yong katawan ko. Wag din po kayong ganyan mag-isip, simpleng sakit at sugat lang naman po yong natanggap ko. Kayang kaya naman po ng katawan ko 'to." Sambit ko. "Oh Shanna, bakit mugtong mugto yang mata mo?"

"Eh, paano ba naman kasi ate. Nag alala ako sayo, akala ko iiwan mo na ako." Umiyak nanaman siya. "Hindi pa nga tayo nakakapag bonding at kwentuhan simula ng umuwi ako dahils obrnag busy mo tapos nangyari pa sayo 'to." Sambit niya. "Grabe kasi yong sugat mo ate, eh."

"Oo nga pala, sorry sa inyo. Babawi po ako mama, papa. Pag okay na po ang lahat babawi ako." Nginitian ko sila. Napatingin naman ako bigla kay Nathan. "Nathan, sorry pala yong susi ng kotse mo hindi ko na alam kung nasaan." Sambit ko. "Sorry talaga, biglaan kasi yong pangyayari."

"Ssh, ayos lang yon. Nakita naman sa parking kagabi dahil hinanap ka namin nila Kevin." Sagot niya. "Magpahinga kana lang muna, Blue. Wag ka munang mag isip isip ng mga bagay bagay."

Bigla 'kong naalala yong tungkol sa parking kagabi. Kailangan kong malaman kung si Darren nga ba talaga ang laging nadyan tuwing naapaphamak ako, ang laging tumutulong sakin ns ayaw magpakilala. Gusto ko lang malinawan ang lahat dahil litong lito na 'ko.

"S-si Darren?"

"Nasa Rooftop, nagpapa-hangin daw." Sagot ni Nathan.

"Kailangan ko siyang makausap, importante 'to." Pinilit kong tumayo kahit iika ika ako. Pipigilan na sana nila ako pero pinigilan ko din sila. "Kaya ko na po, hayaan niyo po muna ako. Kailangan ko lang po talagang makausap si Darren, mag-iingat po ako. Promise." Sambit ko. "Babalik po ako ng maayos."

Napabugtong hininga nalang si mama. "Oh sige na, basta mag ingat ka baby girl." Niyakap niya ko bigla. "Ayoko ng mapahamak ka."

Tumango nalang ako. Lumabas na ako sa kwartong yon at dahang-dahan naglakad papuntang rooftop, kaialngan ko na talagang gawin 'to ngayon. Bago pa 'ko maka-punta sa hagdan, nakasalubong ko si Darren. Napahinto agad siya at napatingin sa baba. 

"Darren," Huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit. "Gusto ko lang linawin yong kagabi. Kung ikaw ba ang lalaking laging naka-jacket at mask na tumutulong sakin? Kung ikaw ba yong nagpadala ng box sakin sa Tagaytay? Kung ikaw din ba yong may ari ng bracelet na nasabit sa damit ko nung araw na niligtas ako nung lalaki?" Tanong ko. "Kasi sumasakit na yong ulo ko kakaisip kung sino ba yon. Na kung ikaw ba talaga yon, edi nandito lang pala yon tapos hinahanap ko pa."

Hindi lang siya sumasagot na tanging nakatingin lang sa baba. Kinukutuban ako na siya yon, kalahating sure na siya yon pero kalahating pwedeng hindi talaga siya yon. Medyo naiinis na 'ko dahil ilang minuto na ako naghihintay ng sagot niya pero ni bugtong hininga walang lumabas sa bibig niya.

"Mahirap bang sagutin yon, Darren? Oo o hindi lang naman, ikaw ba yong lalaki na yon?" Tanong ko.

"Hindi, ako yon." Sagot niya. "Nagkakamali ka lang."

Edi tamang hinala lang pala ako?

"P-pero, ikaw yong may hawak nung phone na nabagsak kagabi." Saad ko. "I-ikaw yong may ari." Napatingin naalng ako sa sahig sa sobrang hiya. "Kung hindi ikaw, s-sino yon?"

"Ako talaga yon." Napalingon agad ako sa lalaking nagsalita sa likudan ko, si Kevin. "Yong may ari ng phone na may BMC, yong may ari ng bracelet, yong nagpadala ng box sa Tagaytay at yong lalaking laging nagtatanggol sayo." Lumapit siya sakin at ngumiti. "Ako talaga yon, Megan. Plinano ko lang yong lahat para isipin mong si Darren yon."

"Weh, seryoso? Sus, nagj-joke ka lang, Kevin." Ang hirap maniwala. Tumango lang siya. "Nako, paanong magiging ikaw yon, eh, hindi mo naman ako kilala." Sambit ko. "Kilala mo lang yong pangalan ko pero ak----" Napahinto agad ang sasabihin ko ng sumingit si Kevin.

"Nag-aral ka sa Seoul ng Elementary ka pa, Nagtapos sa Savior University sa kursong HRM at nagt-trabaho ngayon sa Butterfly Restaurant. May isang kapatid na babae na Shanna ang pangalan, may magandang mommy at gwapong daddy. May sikat na mga business ang Family. Isang magandang babae, matalino, maldita, pilosopo, model at simpleng babae. Blue Megan Castillo ang pangalan." Sambit niya.

Napanganga nalang ako sa dami ng sinabi niya, parang masasabi kong hindi siya Actor at Model dahil para siyang Investigator na ang daming alam sa buhay ng isang tao. Napangiti nalang siya sakin habang ako dito ay nakanganga lang. Sa dami ng sinabi niya at tama naman, parang kilalang kilala na namin yong isa't isa na parang dati na kaming close.

Totoo nga bangng nagsasabi siya ng totoo na siya yon? Na hindi si Darren kasi siya yon.

"So, ikaw nga yong ala stalker ko kuno?" Tumango lang siya ng may malaking ngiti. "Wow, just wow. Kung ikaw talaga yon edi nagkamali lang pala ako na si Darren tlaaga yong lalaki. Dala niya kasi yong phone na may BMC, akala ko tuloy siya yon.."

"Pinahawak ko lang sakanya nung time na yon, dapat kasi kinalkal mo yong phone para nakita mong akin yon." Natawa siya bigla.

"Edi, sorry pala Darren kung napag isipan kitang ikaw yon. Akala ko kasi talaga, haha. Salamat din pala sa pag tulong mo sakin, hindi ko alam kung paano ako makakapag pasalamat sayo ng sobra Darren dahil sa ginawa mo. Salamat talaga, niligtas mo yong buhay ko." Sambit ko. "Ahm, Kevin, salamat din paka sa pag tulong mo sakin noon sa tuwing mapapahamak ako at don sa box ns pinadala mo. Maraming salamat talaga, Kevin."

"Wala yon, basta ikaw Megan." Ngumiti nanaman siya ng napaka-lapad. "Sige na, magpahinga kana muna don. Halatang hindi pa kaya ng katawan mo, wag ng pasaway. Pahinga kana don." Sambit niya. "Sorry hindi na kita mahahatid sa kwarto, mag-uusap pa kasi kami ni Darren. Sorry Megan, babawi ako peomise."

"Oa mo naman, haha. Sinabi ko bang ihatid mo ko? Hala, kaya ko kayang pumunta pabalik don, psh. Haha, sige una na 'ko. Maiwan ko na kayo ha." Sambit ko.

Naglakad na 'ko pabalik sa kwarto ko, tulad nga ng sabi ko kay mama babalik ako ng maayos don. Tsaka mag-uusap nga din daw yong dalawa kaya ayaw ko namang umepal no.

Napangiti nalang ako dahil ngayon kilala ko na siya, siya lang pala yong lalaking yon na tinatawag tawag ko pang Prince Charming. Ang gaan sa pakiramdam na parang natanggalan kana ng tinik sa lalamunan feeling. Kahit napaka-sakit ngayon ng katawan ko napapalitan naman yon dahil kay Kevin.

Salamat ng marami, Kevin. Salamat.

--------------------

Vote and comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading babies! Loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon