Chapter 61: Just One Day

19 1 0
                                    

[Megan's POV]

"Milady!" Tumakbo agad sakin si Darren tapos niyakap ako ng sobrang higpit. Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa yakap niya. "Namiss kita, girlfriend ko." Sambit niya.

Tumawa agad ako. "Magkasama lang tayo kahapon ng buong araw, namiss mo agad ako." Nag pout siya sa harap ko, napailing nalang ako. "Parang ilang oras lang naman ang lumipas na hindi mo "ko nakita. Hahaha."

"Tch, Megan! Kahit 20 minutes lang ayokong mawala ka sakin! Ilang oras pa kaya na buong gabi hindi kita nayayakap at nahahalikan? Nilalang mo yon, psh." Sambit niya.

Bigla akong ngumisi ng napakalapad sakanya. "Ayie. Si Mr. Darren Lim, masyadong prangka. Hahaha. Oo na po, namiss mo na po ng sobra po. Wag na pong uminit ang ulo po." Tumawa nalang din siya.

"Tara girlfriend ko? Alis tayo." Hinawakan niya yong kamay ko tapos hinila papunta sa kotse niya.

"Ha? Teka, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Ssh," Pinisil niya yong pisnge ko. "Gagala tayo, baby. Chill ka lang, gwapo 'tong kasama mo hindi ka mapapahamak." Kumindat pa siya sakin kaya umiwas ako ng tingin.

"Ang hangin, wooh. Sige na, magdrive kana. Baka kasi matangay pa ako nung malakas na hangin."

"Tch." Rinig kong bulong niya at nsg drive na. Hindi nalang ako kumibo kasi baka naiinis siya sakin, bahala siya. Basta ako cute, psh.

Dumeretso agad kami sa isang condo. Ewan ko ba kung bakit nandito kami, baka naman siguro may bibisitahin 'tong si Darren kaya dito kami pumunta. Hm, sino naman kaya yon kung meron man?

Bumaba agad kami sa kotse niya tapos may kinuha siyang mga paper bag sa likod. Dinala ko na yong iba kasi halatanamang hindi niya kaya, inabot niya sa isang guard yong susi ng kotse niya tapos pumasok na kami.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko, nginitian niya lang ako. Minsan talaga ang weird nito. Ano kayang makukuha kong sagot sa ngiti niya? Psh. "Bahala ka nga dyan." Tumawa siya ng bahagya kaya tinignan ko siya ng masama.

Dumeretso agad kami sa elevator tapos pinindot niya yong button ng floor na pupuntahan namin. Pumunta kami sa isang room, pumasok agad kami don tapos nilapag namin yong mga paper bag sa kusina.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya habang nililibot ko yong mata ko dito.

"Ah, ang alin? Ang hindi mo pag sagot sa tanong ko kanina?" Bigla siyang tumawa.

"Hindi, itong condo." Sagot niya.

"Ah, hehe. Oo, maganda naman, pero kanino mo ba 'to ireregalo? Siguradong matutuwa yon."

Lumapit siya sakin tapos hinawakan yong kamay ko, tumingin agad ako sakanya. "Para satin 'to, binili ko para satin. Gusto ko kasi may sarili tayong tutuluyan." Sambit niya.

Natulala agad ako, hindi ko alam yong sasabihin ko. "A-ah? Satin talaga 'to? Hehe, nagbibiro ka lang naman diba?" Umiling siya tapos nag pout. "Ha, ah ano. Bakit hindi mo agad sinabi sakin 'to? Grabe, ang mahal nito." Sambit ko.

"Ssh, babygirl ako dapat bumibili hindi mo na dapat akong tulungan. Ikaw yong prinsesa dito baby." Hinampas ko agad siya sa dibdib. "Oh bakit?"

"Eh, ano ba yan Darren! Kinikilig ako." Ngumiti ako tapos umiwas ng tingin. "Kasi naman Darren, aish. Bakit ganito ka? Nakakainis kana." Hinalikan niya ako sa noo at tumingin ng deretso sa mata ko.

"Pinapasaya lang kita hindi mo kailangan mainis baby."

Tumango lang ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you, Darren."

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon